Matteo G, naikwento ang mga dating kasambahay na ginawa nilang head chefs sa kanilang resto

Matteo G, naikwento ang mga dating kasambahay na ginawa nilang head chefs sa kanilang resto

- Ibinahagi ni Matteo G ang tungkol sa dalawang dating kasambahay ng kanyang lolo at lola

- Matagal na umano ang mga kasambahay na tila bago pa siya isilang sa mundo ay naroon na sa kanilang pamilya

- Nang pumanaw ang kanyang lolo at lola, ginawa nilang head chef ng kanilang restaurant sa Cebu ang dalawang kasambahay

- Ipinagmamalaki pa ni Matteo na mabubuting tao ang mga ito kaya't deserve nila ang bahaging meron sila sa negosyo ng mga Guidicelli

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Matteo Guidicelli ang tungkol sa dalawang chef nilang sina Antonia at Jean sa kanilang restaurant sa Cecbu.

Matteo G, naikwento ang mga dating kasambahay na ginawa nilang head chefs sa kanilang resto
Matteo Guidicelli (@matteog)
Source: Instagram

Ani Matteo, dating kasambahay ng kanyang lolo at lola ang dalawa kaya't nasanay umano ito sa mga lutuing Italyano.

"'Nung nawala na si Lolo ko, sabi namin i-continue natin 'to and we will make Antonia and Jean the head chefs of the restaurant."

Read also

Rosmar, naikwento ang tungkol sa asong may galis na tila simula ng kanyang skincare business

"Tapos meron kaming dalawang kasambahay dun si Antonia at si Jean. Simula one year old, wala pa, wala pa ako sa mundo nandun na sila para kay lolo at lola ko."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaya naman ganoon na lamang kapersonal ang negosyo nilang ito lalo na at itinuturing na nilang pamilya ang dalawa sa serbisyong ibinibigay nito sa kanila.

"Very very personal. Actually, wala kaming experience sa restaurant business. We're in a different business. 'nung namatay, nag-pass na 'yung lolo at lola ko sa Cebu, Italian side, sabi namin gusto namin i-continue yung pagkain namin sa bahay. Kasi pagpunta natin sa bahay nina lolo at lola puro Italyano 'yung pagkain"
"We open our first one around eight years ago in Cebu. Antonia and Jean 'yung chefs. And we gave them a little ownership for the service they had for our family kasi matagal na more then 20 years sa pamilya namin"

Read also

Cristy, lakas-loob na nasabi ang edad at pangalan ng umano'y mga anak nina Coco at Julia

Kaya naman hinihikayat niya ang mga nasa Cebu na bisitahin ang kanilang homestyle restaurant kung saan naroon sina Antonia at Jean.

"So they run that restaurant sa Cebu ngayon... Kung nasa Cebu po kayo, daan kayo sa Trattoria da Gianni. Hanapin niyo si Antonia at si Jean, napakamabuting mga tao 'yan"

Samantala, narito ang kabuuan ng panayam kay Matteo mula sa YouTube channel ni Isko Moreno:

Si Matteo Guidicelli ay isang Filipino actor, model, singer, entrepreneur at kart racer. Taong 2020 nang ikasal siya sa nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Sa isang panayam kay Matteo, sinabi nitong Handang-handa na umano sila ni Sarah na maging 'mommy' at 'daddy' bago sana matapos ang taong 2023.

Marami pa umano silang commitments ni Sarah na dapat gawin kabilang na rito ang matagumpay na 20th anniversary concert ng Popstar Royalty at ang mga gagawing show ni Matteo ngayon na isa na siyang Kapuso. Aniya, iba't ibang makabuluhang shows ang gagawin niya sa GMA na talaga namang kaabang-abang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel