Vice, proud kay Kim Chiu: "The most in demand and the most successful actress now"

Vice, proud kay Kim Chiu: "The most in demand and the most successful actress now"

- Proud umano si Vice Ganda kay Kim Chiu sa kabi-kabilang proyekto nito

- Tinawag niya itong "The most in demand and the most successful actress now"

- Bukod sa "It's Showtime", bumida at hinangaan si Kim sa kanyang seryeng "Linlang"

- Ngayon naman pinakaaabangan ng kanyang fans ang Pinoy Adaptation ng "What's wrong with secretary Kim" kung saan siya muli ang lead role

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong proud si Vice Ganda sa kanyang 'daughter' na si Kim Chiu na tinawag pa niyang "The most in demand and the most successful actress now."

Vice, proud kay Kim Chiu: "The most in demand and the most successful actress now"
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Sa It's Showtime noong Nobyembre 23, binati ng mga hosts si Kim sa pangunguna ng kanilang Meme Vice dahil sa bago nitong proyekto, ang Filipino adapatation ni What's wrong with Secretary Kim.

Read also

Michelle Dee, aminadong naiyak nang hindi natawag sa Top 5

"The most in demand and the most successful actress now. I'm so proud of my daughter," ani Vice.

Maliban kasi sa It's Showtime, bumida si Kim sa teleseryeng Linlang kasama si Paulo Avelino kung saan hinangaan din siya ng marami sa husay ng kanyang pagganap.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

At kamakailan nga lamang, inanunsyo na ng Dreamscape at Viu ang muling pagtatambal nina Kim at Paulo sa What's wrong with Secretary Kim. Mapapanood na ito sa 2024.

"Thank you so much madlang pipol. I'm your secretary Kim," ang nasabi naman ni Kim.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Read also

Billy Crawford, pinakita ang 'gigil face' ng anak na si Amari

Sa post ni Kim kamakailan, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel