Michelle Dee, aminadong naiyak nang hindi natawag sa Top 5

Michelle Dee, aminadong naiyak nang hindi natawag sa Top 5

- Ani Michelle Dee, nagpapasalamat siya sa malakas at mainit na suporta sa kanya ng mga kababayan

- Sa panayam ni Boy Abunda sa kanyang show na "Fast Talk with Boy Abunda", sinagot ni Michelle ang mga katanungan ni Boy

- Aniya, nasaktan siya nang hindi makapasok sa Top 5 at sa katunayan ay naiyak pa siya sa banyo

- Naniniwala siyang handa siya sa top 5 dahil sa kanyang naging paghahanda sa question and answer

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Michelle Dee na naiyak siya nang hindi siya nakapasok sa Top 5 sa Miss Universe 2023. Aniya, pinakapinaghandaan niya ang question and answer na para lamang sa mga pasok sa Top 5 candidates.

Michelle Dee, aminadong naiyak nang hindi natawag sa Top 5
Michelle Dee, aminadong naiyak nang hindi natawag sa Top 5
Source: Youtube

Patungkol naman sa mga nagsasabing dapat ay kasali siya sa Top 5, aniya ay ayaw niyang gamitin ang terminolohiyang 'robbed' kundi aniya ay nainiwala siyang 'prepared' siya sa top 5.

Read also

Boy Abunda, napa-'wow' sa sagot ni Michelle Dee sa Miss Universe 2023 final question

Again as much as I want to say that I deserve to be there, it wasn't my destiny. Do I agree the 'robbed' part I mean that's not for me to decide honestly.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napaka-HUMBLE talaga…yung ibang mga candidates masyadong MAKUDA pag NATALO pero si MMD napaka-HUMBLE…hands down ako talaga
Naluha ako nung sinagot nya ung final question...the Miss Universe chance at the crown that we lost but made us soooo very proud! I love you MMD Im so proud to be PINOY more now because of YOU
Thank you Michelle... It's actually the simplest word we can tell you about how well you have raised our flag .. You didn't lose in that competition...You will always be our best Miss Universe Philippines in that stage after Pia and Catriona..

Read also

Billy Crawford, pinakita ang 'gigil face' ng anak na si Amari

Si Michelle Marquez Dee ay isang beauty queen sa bansa na siyang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.

Nagbahagi ng mensahe si Michelle Dee sa kabila ng mga reaksiyon sa lumabas na video kung saan kasama niya ang Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip. Sa halip na magreklamo ay nanatiling positibo ang mensaheng kanyang pinarating lalo na sa kanyang supporters na hindi natuwa sa video. Sa kanyang Instagram story ay sinabi niyang pairalin ang 'love, empathy at kindness. Matatandaang maging ang kaibigan ni Michelle na si Rhian Ramos ay umalma sa naturang video.

Binahagi ni Rhian Ramos ang isang video reel kung saan makikitang magkasama sina Michelle at ang may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip. Inihayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa video na ibinahagi ng Instagram page na may handle na @forthephilippines. Aniya, hindi niya masikmura ang naturang video kung saan nagsasalita si Anne at nabanggit ang Philippines, Thailand at ''they cannot move on." Base sa mga komento, ang sinabi daw ni Anne ay sabihan ni Michelle ang mga taga-Thailand dahil hindi daw sila maka move on.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel