Boy Abunda, napa-'wow' sa sagot ni Michelle Dee sa Miss Universe 2023 final question

Boy Abunda, napa-'wow' sa sagot ni Michelle Dee sa Miss Universe 2023 final question

- Napa-wow si Boy Abunda sa sagot ni Michelle Dee nang subukan niya itong itanong sa kanya nang mag-guest ito sa "Fast Talk with Boy Abunda"

- Maging ang mga netizens ay nag-react sa kanyang sagot dahil anila ay sayang na hindi nabigyan ng pagkakataon si Michelle.

- Ani Michelle, pipiliin niyang babae na gugustuhin niyang maranasan mamuhay sa loob ng isang taon ay si Whang-od

- Nilinaw ni Michelle na wala dapat paghahambing at sinubukan lang na sagutin ang tanong

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napahanga si Boy Abunda sa naging sagot ni Miss Universe PH Michelle Dee nang subukan nitong sagutin ang Miss Universe 2023 final question. Bago sagutin ni Michelle ang tanong ay nilinaw niyang katuwaan lang ito.

Boy Abunda, napa-'wow' sa sagot ni Michelle Dee sa Miss Universe 2023 final question
Boy Abunda, napa-'wow' sa sagot ni Michelle Dee sa Miss Universe 2023 final question
Source: Instagram

Sinagot niya ang tanong na "‘If you could live one year in another woman’s shoes, who would you choose and why?"

Read also

Michelle Dee, aminadong naiyak nang hindi natawag sa Top 5

Pinili ni Michelle si Apo Whang-Od dahil aniya ay nagsisimbolo siya ng cultural preservation.

"if i could choose to live in any woman's shoes, it would be Apo Whang-od. she's an amazing symbol of cultural preservation, she's an amazing symbol of ageism, she has been defying boundaries, stereotypes, and that is something that i have tried to inspire everybody around me as well, which is; to own your unique story, own your traditions, love where you came from, love who you're with, who you're surrounded with, and truly with that unique story, you can make your country proud, you can show the universe what your country has to offer. In my case, my love for our country can really shake the whole universe as well."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Michelle Marquez Dee ay isang beauty queen sa bansa na siyang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.

Read also

Lolit Solis, may tampo kay Rhea Tan ng Beautederm: “Hindi tulad noon”

Nagbahagi ng mensahe si Michelle Dee sa kabila ng mga reaksiyon sa lumabas na video kung saan kasama niya ang Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip. Sa halip na magreklamo ay nanatiling positibo ang mensaheng kanyang pinarating lalo na sa kanyang supporters na hindi natuwa sa video. Sa kanyang Instagram story ay sinabi niyang pairalin ang 'love, empathy at kindness. Matatandaang maging ang kaibigan ni Michelle na si Rhian Ramos ay umalma sa naturang video.

Binahagi ni Rhian Ramos ang isang video reel kung saan makikitang magkasama sina Michelle at ang may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip. Inihayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa video na ibinahagi ng Instagram page na may handle na @forthephilippines. Aniya, hindi niya masikmura ang naturang video kung saan nagsasalita si Anne at nabanggit ang Philippines, Thailand at ''they cannot move on." Base sa mga komento, ang sinabi daw ni Anne ay sabihan ni Michelle ang mga taga-Thailand dahil hindi daw sila maka move on.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel