Kaila Estrada, sa amang si John Estrada: "Ito 'yung hinahanap namin noon pa"

Kaila Estrada, sa amang si John Estrada: "Ito 'yung hinahanap namin noon pa"

- Emosyonal na nagbigay mensahe si Kaila Estrada sa kanyang amang si John Estrada

- Hiningan kasi sila ng mensahe ni Bernadette Sembrado para sa kanilang mga magulang

- Ayon kay Kaila, matagal na nilang hinahanap ang kung anomang klaseng relasyon meron sila ng kanyang ama ngayon

- Sa ngayon, aktibong napapanood si Kaila sa mga teleserye ng ABS-CBN

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maiyak ni Kaila Estrada nang mahingan siya ni Bernadette Sembrano ng mensahe para sa amang si John Estrada.

Kaila Estrada, sa amang si John Estrada: "Ito 'yung hinahanap namin noon pa"
Kaila Estrada at John Estrada (@johnestrada_)
Source: Facebook

Ayon kay Kaila, ito umano ang relasyong matagal na nilang inaasam sa kanilang ama.

"Siguro kay dad, thank you kasi... ito 'yung time na, (naiiyak ako). Parang 'yung relationship namin kasi, ito 'yung hinahanap namin noon pa. So I'm glad na we're at this point in our lives already na okay talaga kaming lahat. And it really, truly is a blessing."

Read also

Toni Gonzaga, naka-relate kay Diego: "Inunahan sa pag-a-announce? Ganyan sila"

Matatandaang sa murang edad ay nagkahiwalay ang kanyang mga magulang na sina Janice de Belen at John Estrada na naging kontrobersyal pa sa publiko.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil dito, labis ding pinasalamatan ni Kaila ang kanyang ina na siyang nagtaguyod sa kanilang magkakapatid.

Subalit ngayon, walang pagsidlan ang kasiyahan ni Kaila dahil sa pagiging present na umano ni John sa kanilang magkakapatid.

"Thank you kasi, You really made an effort din to become close to us," naluluhang nasabi ni Kaila.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Bernadette Sembrano YouTube channel:

Si Kaila Estrada ay isa sa mga maituturing na rising stars ng kanyang henerasyon. Anak siya ng mga kilalang artista na sina Janice De Belen at John Estrada.

Kamakailan lamang, agaw-pansin ang eksena ni Kaila sa teleseryeng Linlang kung saan kasama niya si Kim Chiu. Marami ang pumuri sa kanyang husay sa pag-arte kaya naman hindi nakapagtatakang napapanood din siya sa isa pang serye ng ABS-CBN, ang Can't buy me love na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Read also

Maxene Magalona, nag-repost ng 'forgive your parents' quote

Samantala, isa ring mahusay na aktres ang nakapanayam ni Bernadette Sembrano kamakailan. Ito'y walang iba kundi si Julia Montes na nagkwento rin ng kanyang buhay bago pasukin ang mundo ng showbiz. Sa naturang panayam din niya nasabi na si Coco Martin ang sagot sa matagal na niyang panalangin sa Diyos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel