Julia Montes kay Coco Martin: "Siya 'yung answered prayer ko"

Julia Montes kay Coco Martin: "Siya 'yung answered prayer ko"

- Naibahagi ni Julia Montes kung gaano kahalaga sa kanya si Coco Martin

- Sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano, nasabi niya na si Coco ang 'answered prayer niya'

- Nabanggit niya rin umano ang kahalagahan ng privacy sa kanilang relasyon

-Kasalukuyang tumatabo sa takilya ang pelikula ni Julia at Alden Richards na 'Five Breakups and a Romance'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natanong ni Bernadette Sembrano sa panayam niya kay Julia Montes ay ang tungkol sa umano'y karelasyon nitong si Coco Martin.

Julia Montes kay Coco Martin: "Siya 'yung answered prayer ko"
Julia Montes and Coco Martin (@cocomartin_ph)
Source: Instagram

Tila nadadalas nang magbigay si Julia ng ilang mga detalye tungkol sa kanila ni Coco na ikinatutuwa naman ng kanilang mga tagasubaybay.

"Si Coco kasi nung time na lost ako as a person, siya 'yung nag-guide sa'kin e. Siya 'yung answered prayer ko. Na nung mga time na 'anong gagawin ko Lord,'. Pinakita niya na siya din, been thru all hardships. Tapos keep the faith e Nazarene devotee sila ni Lola sa parang na-realize ko na 'oo nga no? basta 'wag ka lang gi-give up. Keep the faith. 'Yun yung isa sa pinagpi-pray ko na in-answer ni Lord thru Coco," ani Julia.

Read also

Bea Borres, nagkonsulta na sa abogado kaugnay sa tweet ni Ricci Rivero

Nasabi rin ni Julia ang tungkol sa hiling nilang privacy na napakahalaga sa kanila ng Batang Quiapo Star.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang sa'min, mas importante lang samin ngayon ang privacy. Si Coco kasi hindi showbiz e. Ever since hindi. Kung ano siya as Rodel, 'yun din siya as ngayon, as Coco."

Inamin din ni Julia na nakararamdam din siya ng selos subalit dala na rin umano ng maturity ay naisasantabi niya ito.

"Nagseselos naman po ako, tao rin po ako. Pero maturity. Saka work is work. Si Coco naman sobrang ano yan na tao, mabuti, mabait and wala akong masasabi kaya wala, kalma lang."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Bernadette Sembarano YouTube channel:

Si Mara Hautea Schnittka o mas kilala bilang si Julia Montes ay isinilang noong March 19, 1995, sa Pandacan, Manila. Una siyang nakilala sa Going Bulilit kung saan nakasama rin niya ang iba pang child stars tulad ni Kathryn Bernardo. Hinangaan sila sa pagganap nila sa remake ng Mara Clara kung saan sila ni Kathryn ang bumida.

Read also

Ogie D sa umano'y isyu ni Baron Geisler: "Wala po akong dapat i-public apology"

Samantala, sa panayam ni Ogie Diaz kay Julia nabanggit nito kung gaano ka-espesyal ang pagkakaibigan nila ni Kathryn. Pabiro pa niya itong nilarawan bilang 'original love team' dahil sa closeness nilang dalawa off cam. Aniya, nais nga nilang magkaroon muli ng proyekto ni Kathryn na magkakasama muli silang dalawa.

Sa ngayon, bumibida muli si Julia sa pelikulang Five Breakups and a Romance kasama si Alden Richards. Masasabing ito ang comeback movie ni Julia gayung ilang taon din siyang napahinga sa paggawa ng proyekto para sa big screen. Aminado si Julia na naging komportable siyang katrabaho si Alden gayung kaibigan niya talaga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel