Ogie D sa umano'y isyu ni Baron Geisler: "Wala po akong dapat i-public apology"

Ogie D sa umano'y isyu ni Baron Geisler: "Wala po akong dapat i-public apology"

- Wala raw umanong dapat na i-public apology si Ogie Diaz kay Baron Geisler

- Ito ay matapos siyang masabihan ng ilan na 'fake news' gayung nasa 'Senior High' pa rin si Baron Geisler

- Nabanggit kasi ni Ogie Diaz ang nabalitaan umano niya sa staff ng serye na may balak umanong tanggalin si Baron

- Gayunpman, nilinaw ng management ni Baron na maaring mamahinga nga ito sa 'Senior High' dahil sa dalawang pelikulang gagawin nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay komento si Ogie Diaz sa mga umano'y nagsasabing dapat daw siyang mag-public apology kay Baron Geisler.

Ogie D sa umano'y isyu ni Baron Geisler: "Wala po akong dapat i-public apology"
Baron Geisler (The ABS-CBN Ball 2023/ Baron Geisler)
Source: Facebook

Sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, tinalakay nila ang alegasyong sinabi umano niyang tanggal na si Baron sa seryeng Senior High.

"Meron kasing ibang writeups na parang napalala 'yung isyu," ani Ogie na nanindigan umano sa kanyang naunang naibalita.

Read also

Cristy, sa pabalik-balik na isyung hiwalay na ang Kathniel: "Palagay ko sila pa rin"

"Wala po akong dapat i-public apology. I stand by my story," ani Ogie na matatandaang nakarating umano sa kanya mula sa source niya sa set ng Senior High ay may posibilidad umanong matanggal si Baron sa serye dahil sa 'di umano'y inasal nito na may kaugnayan sa alak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nagpaalam sila sa prod na ilang linggo yata or gaano katagal mawawala si Baron dahil meron siyang dalawang pelikulang gagawin... May clearance. Ito ay para pabulaanan 'yung lumabas na tinerminate daw si Baron," Ani Ogie D na sinegundahan naman ni Mama Loi at sinabing "Hindi mo naman sinabing tinerminate ah?"

"Sana hindi totoo, 'yun ang sinabi ko," giit ni Ogie.

Tulad ng kanyang naunang nasabi, sinabi niya muling challenge ito kay Baron upang mas lalong patunayang hindi totoo ang mga alegasyon sa kanya umanong inaasal sa set.

Read also

Ogie D sa viral serenade ni Carlo Aquino sa Miss Bacolod: "Marunong kumanta si Carlo ah"

Sa mensahe umano ni Baron, ibinahagi ni Ogie na maging si Andrea Brillantes ay natatawa na lamang sa isyu gayung napabalitang takot umano kay Baron ang mga co-stars nito lalo na iyong mga nakababata sa kanya.

"Natawa si Blythe sa isyu pati mga bata raw na kasama niya. Kaeksena nga raw niya noong Monday si Blythe. Sabi ni Blythe, "o ba't ksama na naman ako sa mga isyung ganyan?"Nakakasira raw yung mga isyu sa kanya especially raw may nakapilang mga projects sa kanya at may mga pinapakain din daw siyang mga tao," pagbabahagi ni Ogie sa umano'y nasabi ni Baron.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na aktor sa Pilipinas. Matatandaang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas dahil sa pandemya.

Read also

Andrea Brillantes, napuri ni Vicki Belo: "Good girl ito ngayon right?"

Isa rin sa patunay ng kahusayan niya sa pag-arte ay ang mga papuring natanggap niya sa pagganap sa pelikulang Dollhouse. Marami ang napabilib kay Baron at kumbinsido sa husay niya sa kanyang larangan kaya naman ganoon na lamang din ang kanyang pasasalamat sa mga tao.

Matatandaang naging kontrobersyal si Baron kamakailan sa pag-aakala ng marami na nakainom itong nagtungo sa media con ng Senior High. Inalam ni Ogie Diaz kung may katotohanan umano ang alegasyong ito lalo na at minsang napabalita noon ang tungkol sa alcohol addiction ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel