Michelle Dee nagbahagi ng mensahe: "Love, empathy and kindness over everything"

Michelle Dee nagbahagi ng mensahe: "Love, empathy and kindness over everything"

- Nagbahagi ng mensahe si Michelle Dee sa kabila ng mga reaksiyon sa lumabas na video kung saan kasama niya ang Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip

- Sa halip na magreklamo ay nanatiling positibo ang mensaheng kanyang pinarating lalo na sa kanyang supporters na hindi natuwa sa video

- Sa kanyang Instagram story ay sinabi niyang pairalin ang 'love, empathy at kindness

- Matatandaang maging ang kaibigan ni Michelle na si Rhian Ramos ay umalma sa naturang video

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi ng mensahe si Michelle Dee sa gitna ng mga negatibong reaksiyon sa video kung saan kasama niya ang Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip. Sa kanyang IG story ay binahagi ni Michelle ang mensahe tungkol sa pagpapairal ng 'love, empathy at kindness.

Read also

Rhian Ramos, umalma sa aniya'y uncomfortable video ni MMD kasama si Anne Jakrajutatip

Michelle Dee nagbahagi ng mensahe: "Love, empathy and kindness over everything"
Michelle Dee nagbahagi ng mensahe: "Love, empathy and kindness over everything"
Source: Instagram

Matapos nga ang lumabas na video clip ay marami ang umalma kabilang na ang kaibigan ni Michelle na si Rhian Ramos.

Sa naturang video ay makikitang magkasama sina Michelle at Anne at kinausap nito si Michelle sa kanilang wika.

Kabilang sa mga nabanggit ni Anne ay ang mga salitang, Philippines, Thailand at 'they cannot move on."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Michelle Dee nagbahagi ng mensahe: "Love, empathy and kindness over everything"
Michelle Dee nagbahagi ng mensahe: "Love, empathy and kindness over everything"
Source: Instagram

Dahil dito ay hindi naging maganda ang dating lalo na sa mga supporters ni MMD. Gayunpaman, base sa komento kaugnay sa translation ng sinabi ni Anne, kinausap daw nito si Michella na pagsabihan ang mga taga-Thailand dahil hindi sila makapag-move on.

Makikita sa naturang video na nakangiti lang si Michelle at inihayag ang pagmamahal sa kanyang mga kababayan habang tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Anne. Ani Anne ay mag-re-release daw siya ng kanta na may lyric na 'they can not move on.'

Read also

Wacky Kiray kay Valentine Rosales: "Konting kalma tehhh"

Si Michelle Marquez Dee ay isang beauty queen sa bansa na siyang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.

Naging agaw eksena kamakailan ang pagpapakilala ni Michelle sa pre-pageant ng 72nd Miss Universe dahil sa halip na Philippines ang sabihin nito para sa kinakatawang bansa, "Filipinas" ang kanyang ginamit.

Marami din umano ang napa-wow sa national costume ni Michelle para sa naturang pageant na tila isang eroplano na sumasalamin umano sa magagandang destinasyon at katangian ng Pilipinas at mga Pilipino. "Resilient, radiant at ready to embrace the Universe" ang sinasalamin ng national costume ni Michelle.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate