Rhian Ramos, umalma sa aniya'y uncomfortable video ni MMD kasama si Anne Jakrajutatip
- Binahagi ni Rhian Ramos ang isang video reel kung saan makikitang magkasama sina Michelle Dee at ang may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip
- Inihayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa video na ibinahagi ng Instagram page na may handle na @forthephilippines
- Aniya, hindi niya masikmura ang naturang video kung saan nagsasalita si Anne at nabanggit ang Philippines, Thailand at ''they cannot move on"
- Base sa mga komento, ang sinabi daw ni Anne ay sabihan ni Michelle ang mga taga-Thailand dahil hindi daw sila maka move on
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inalmahan ni Rhian Ramos ang aniya ay 'uncomfortable video' kung saan makikita si Michelle Dee kasama ang may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip. Ani Rhian, hindi niya masikmura ang naturang video kung saan nagsasalita si Anne at nabanggit ang Philippines, Thailand at ''they cannot move on."
Aniya ay mabuti at marespeto ang kaibigan niya.
I don't like how this looks. My stomach is turning. Buti marespeto yung kaibigan ko, eh sila? Ewan. Kayo na lang ang humusga. Tap niyo for the full, uncomfortable video.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Base naman sa mga komento sa original post, ang sinabi daw ni Anne ay sabihan ni Michelle ang mga taga-Thailand dahil hindi daw sila maka move on.
Makikita sa naturang video na nakangiti lang si Michelle at inihayag ang pagmamahal sa kanyang mga kababayan habang tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Anne. Anito ay mag-re-release daw siya ng kanta na may lyric na 'they can not move on.'
Si Michelle Marquez Dee ay isang beauty queen sa bansa na siyang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.
Naging agaw eksena kamakailan ang pagpapakilala ni Michelle sa pre-pageant ng 72nd Miss Universe dahil sa halip na Philippines ang sabihin nito para sa kinakatawang bansa, "Filipinas" ang kanyang ginamit.
Marami din umano ang napa-wow sa national costume ni Michelle para sa naturang pageant na tila isang eroplano na sumasalamin umano sa magagandang destinasyon at katangian ng Pilipinas at mga Pilipino. "Resilient, radiant at ready to embrace the Universe" ang sinasalamin ng national costume ni Michelle.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh