Kim Chiu, naglabas ng statement kaugnay sa paghihiwalay nila Xian Lim
- Nagsalita na si Kim Chiu kaugnay sa napapabalitang paghihiwalay nila ni Xian Lim
- Sa kanyang post ay inihayag niya ang kanyang saloobin kasabay ng paghingi na irespeto ang kanilang privacy
- Aniya, mutual decision nila ang kaugnay sa kanilang paghihiwalay na ilang linggo na ring usap-usapan
- Pinasalamatan niya ang mga naging supporters at fans ng tambalan nila na tinawag bilang KimXi
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inamin na ni Kim Chiu ang tungkol sa napapabalitang paghihiwalay nila ni Xian Lim. Sa isang post ay pinasalamatan niya ang mga naging supporters at fans ng tambalan nila na tinawag bilang KimXi.
Ani Kim, medyo natagalan bago niya maisapubliko ang tungkol dito pero aniya ay kailangan ding malaman ng kanilang supporters.
End of a love story. It took me awhile to say this….. until today. We owe our supporters the truth, but we also respect each other’s time of healing. In a relationship, love is always a significant factor, but sometimes love is not enough.
Aniya, parehas nilang desisyon ang pagtransition ng kanilang relationship sa pagiging magkaibigan na lang.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
We shared more than a decade of love, each other’s support system, and many beautiful memories. It was our mutual decision to transition our relationship into what we hope to be a lifelong friendship.
Hiling din niya na sana ay bigyan sila ng privacy sa panibagong yugto na tatahakin nila sa buhay.
We thank all our followers for their love and support, but now we ask you to appreciate our honesty and give us the privacy we need as we begin new chapters of our lives. To all our supporters, maraming salamat for all the love and understanding.
Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.
Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."
Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh