Claudine Barretto, umalma sa netizen na nagsabing naghihirap na siya

Claudine Barretto, umalma sa netizen na nagsabing naghihirap na siya

- Sinagot ni Claudine Barretto ang isang netizen na nagsabing naghihirap na siya matapos siyang mag-post tungkol sa paghahanap niya ng live-in secretary

- Ayon sa naturang netizen noong nakaraan ay naghahanap ito ng apartment at ngayon naman daw ay secretary

- Sagot naman ni Claudine, nagtatrabaho siya kaya nangangailangan siya ng taong mag-aayos ng ibang bagay na hindi na niya maasekasi kagaya ng schedule nung mga bata,bills at iba pa

- Kinuwestiyon pa ni Claudine kung sumusuporta ba daw ito sa kanya o gusto lang nitong hilahin pababa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Claudine Barretto ang isang netizen na nagsabing naghihirap na nga talaga si Claudine. Ito ay matapos mag-post ni Claudine na naghahanap siya ng secretary.

Claudine Barretto, umalma sa netizen na nagsabing naghihirap na siya
Claudine Barretto, umalma sa netizen na nagsabing naghihirap na siya
Source: Instagram

Ayon sa naturang netizen noong nakaraan ay naghahanap ito ng apartment at ngayon naman daw ay secretary.

Read also

Claudine Barretto, naniniwalang bad influence ang kasalukuyang karelasyon ni Raymart Santiago

Nung una apartment ang hinahanap, ngayon secretary. Hala, naghihirap na talaga si idol.

Ani Claudine, nagtatrabaho siya kaya nangangailangan siya ng taong mag-aayos ng ibang bagay na hindi na niya maasekasi kagaya ng schedule nung mga bata,bills at iba pa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

naghihirap agad? Sana naisip mo na nag tratrabaho ako at kailangan may mag ayos ng schedule nung mga bata,bills etc.wala po masama maging mahirap

Kinuwestiyon pa ni Claudine kung sumusuporta ba daw ito sa kanya o gusto lang nitong hilahin pababa.

Yung pag isipan ka ng kagaya mo na sumusuporta sakin ba talaga or gusto mo lang mag down ng tao

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

Amy Perez, agad humingi ng paumanhin sa nasabi niya matapos siyang magulat

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate