Amy Perez, agad humingi ng paumanhin sa nasabi niya matapos siyang magulat

Amy Perez, agad humingi ng paumanhin sa nasabi niya matapos siyang magulat

- Agad na nag-sorry si Amy Perez matapos siyang magulat at makasambit ng salitang hindi niya dapat sabihin habang nasa ere

- Hindi naman niya nasambit nang buo ang salita dahil agad siyang napatakip ng bibig pero humingi pa rin siya ng dispensa

- Natawa na lamang ang mga host at nagbiro na tila gusto na naman daw nila na mag Hong Kong sila

- Matatandaang nagpunta sa Hong Kong ang mga host ng It's Showtime matapos ang pinataw na 12 day suspension sa kanila ng MTRCB

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maagap si Amy Perez na humingi ng dispensa matapos siyang magulat at nakasambit ng salitang hindi niya dapat sabihin habang nasa ere. Ito ay naganap habang nag i-intro sila sa ‘Tawag ng Tanghalan’ segment nang hindi sinasadyang magulat ni Vhong ang si Tyang Amy.

Read also

Mela at Stela, may makulit na reaksyon sa video nina Echo at Melai sa ABS-CBN ball

Amy Perez, agad humingi ng paumanhin sa nasabi niya matapos siyang magulat
Amy Perez, agad humingi ng paumanhin sa nasabi niya matapos siyang magulat
Source: Youtube

Agad na napatakip ng bibig si Amy habang sina Vice Ganda at Jhong naman ay tila nabigla.

“Sorry Madlang People, si Vhong po kasi ginugulat ako”

Kasunod nito ay nagbiro si Vice kaugnay sa kanilang suspension.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Gusto niyo na namang mag Hong Kong no?”

Matatandaang nagpunta sa Hong Kong ang mga host ng It's Showtime matapos ang pinataw na 12 day suspension sa kanila ng MTRCB.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Leren Mae Bautista kay Ricci Rivero: “Wag ka maglaba, ako na"

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel