Maricel Soriano, sinabing 'di na siningil ang celebrities na nangutang sa kanya

Maricel Soriano, sinabing 'di na siningil ang celebrities na nangutang sa kanya

- Natanong ni Aiko Melendez si Maricel Soriano tungkol sa celebrities na nakautang at hindi pa nagbabayad sa Diamond Star

- Kinalimutan na raw ito ng Diamond Star at sinabing nilista na niya ito sa tubig

- Biniro tuloy siya ni Aiko na mangungutang ito gayung kinakalimutan naman pala ng kanyang Inay Maricel ang mga napapahiram niya

- Sa ngayon, patuloy pa ring namamayagpag ang acting career ni Maricel kung saan napapanood siya sa teleseryeng "Linlang"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napagkwentuhan nina Maricel Soriano sa panayam sa kanya ni Aiko Melendez ay ang mga celebrities na umano'y hindi pa nakakapagbayad sa kanya ng utang.

Maricel Soriano, sinabing 'di na siningil ang celebrities na nangutang sa kanya
Maricel Soriano (Maricel Soriano Facebook)
Source: Facebook

Walang pangalan na binaggit ang nag-iisang Diamond Star subalit sinabi niyang kinalimutan na niya ang nahiram ng mga ito na para sa kanya'y tulong na niya.

Read also

Ogie D sa Kathniel issue: "'Yung mga naglalabasan, 'di sa'kin nagsimula ito, gusto ko lang linawin"

"Naku, kinalimutan ko nang lahat 'yan. Kasi ako, lista sa tubig 'yan. Wala 'yun. 'Pag ako nagbibigay kinakalimutan ko na 'yun. Tinulungan mo tapos pagbabayarin mo rin. Edi hindi nakagaan sa paghihirap nung tao," paliwanag ng Diamond Star.

Biniro tuloy siya ni Aiko na manghihiram ito sa kanyang Inay Maricel gayung kinakalimutan naman pala nito ang mga nanghihiram sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng makabuluhan nilang kwentuhan mula sa Aiko Melendez YouTube channel:

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010 at ngayon, pinalad siyang magwagi muli bilang konsehal at manilbihan sa nasabing lungsod. Biniyayaan siya ng dalawang mga anak na sina Andre at Marthena.

Read also

Papi Galang, ibinahagi ang umano'y masalimuot na nakaraan sa poder ng ina

Bukod sa kanyang pagiging konsehal ng unang distrito sa Quezon City, abala siya sa kanyang YouTube channel na kanyang sinimulan noong nakaraan taon. Isa nga sa kanyang naging panauhin ay ang panganay na anak na si Andre. Doon lamang nagkaroon ng pagkakataon na mapag-usapan nilang mag-ina ang tungkol sa ama ni Andre na si Jomari Yllana.

Sa kanyang YouTube channel din makailang beses napanood ang kilalang psychic na si Jovi Vargas na nakapagbigay ng kanyang mga nakikita sa showbiz. Isa na rito ang tungkol sa tambalang LizQuen na tila nangyari nga umano sa dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel