Vince Flores, binilihan ng sapatos si Tyronia: "Kahit wala akong karapatan sa'yo bibilhan kita"

Vince Flores, binilihan ng sapatos si Tyronia: "Kahit wala akong karapatan sa'yo bibilhan kita"

- Kinaaliwan ang mga hirit ni Vince Flores sa kanyang bagong vlog kung saan bumili siya ng sapatos hindi lang para sa kanya kundi pati kay Tyronia Fowler

- Bago niya nilabas ang sapatos ay dumating ang biniling Apple watch ni Toni na si Vince din mismo ang kumuha

- Matapos buksan ni Toni ang kanyang order ay nilabas din ni Vince ang kanyang biniling sapatos

- Hirit pa niya kay Tyronia, kahit wala siyang karapatan sa kanya ay ibibili niya ito ng sapatos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binilhan ni Vince Flores si Tyronia Fowler ng sapatos. Biniro niya ito habang nakikinig si Toni Fowler. Aniya, kahit wala siyang karapatan sa kanya ay ibibili niya ito ng sapatos.

Vince Flores, binilihan ng sapatos si Tyronia: "Kahit wala akong karapatan sa'yo bibilhan kita"
Vince Flores, binilihan ng sapatos si Tyronia: "Kahit wala akong karapatan sa'yo bibilhan kita"
Source: Instagram

Matatandaang sa isa sa kanilang episode ng reality show ng ToRo family ay napag-awayan nila Toni at Vince nang mapagsabihan ni Vince si Tyronia. Sinabihan siya ni Toni na wala siyang karapatan dahil si Toni ang ina nito.

Read also

Leren Mae Bautista kay Ricci Rivero: “Wag ka maglaba, ako na"

Nagkaayos naman ang dalawa ngunit umani ng komento at reaksiyon ang eksenang ito.

Tila idinaan naman ni Vince sa biro ang tungkol dito. Sa caption ng naturang mini vlog niya ay nakalagay ang tanong na "wala akong karapatan pati pagbili ng sapatos?"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel