Sarina Hilario, kinaaliwan sa pagsayaw niya kasama ang Streetboys

Sarina Hilario, kinaaliwan sa pagsayaw niya kasama ang Streetboys

- Kinaaliwan si Sarina Hilario sa isang video kung saan nakipagsabayan siya sa kanyang daddy at kasamahan nitong Streetboys

- Tila natuwa si Sarina na makita ang video ng kanilang pagsasayaw at tatlong beses silang umulit

- Dalawang beses itong humiling ng 'one more' dahil na-enjoy niya ang sumayaw kasama ang kanyang mga tito

- Makikita din sa video na binahagi sa kanyang Facebook page ang pag-cheer ni Sarina sa kanyang daddy habang nagsasalita ito sa entablado

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Todo-hataw si Sarina Hilario sa TikTok video na ginawa nila kasama ang kanyang daddy at ang Streetboys. Tuwang-tuwa si Sarina na makita ang video ng kanilang pagsasayaw at tatlong beses silang umulit.

Sarina Hilario, kinaaliwan sa pagsayaw niya kasama ang Streetboys
Sarina Hilario, kinaaliwan sa pagsayaw niya kasama ang Streetboys
Source: Facebook

Pagkatapos ng kanilang pagsasayaw, makikita sa video na binahagi sa Facebook page ni Sarina ang pag-cheer niya sa kanyang daddy habang nagsasalita ito sa entablado.

Read also

Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"

Bukod sa Streetboys, kasama din si Ryan Bang sa nagperform sa kanilang event noong oras ng pangangampanya.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hndi nagpatalo princess Sarina galing, cute baby
Mana talaga Kay daddy nya.. love you Sari malayo ang mararating Ng batang to..
Ang galing galing ni baby Sarina, talented talaga siya

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Ivana Alawi, kumasa sa buy everything Baby Gab touches challenge; ilang iPhone 15, binili

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate