Rita Gaviola sa bashers: "Ayoko na sana magsalita kaso below the belt"

Rita Gaviola sa bashers: "Ayoko na sana magsalita kaso below the belt"

- Nag-post si Rita Gaviola aka Badjao Girl kaugnay sa pang-iinsulto sa kanya sa kanyang live selling kamakailan

- Nagpasalamat siya sa lahat ng concern at mensahe sa kanya matapos ang pangyayari

- Aniya, ayaw sana niya na magsalita ngunit aniya ay below the belt na ang komento sa kanya

- Muli ay pinanindigan niyang hindi niya ikinakahiya ang kanyang pagiging Badjao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsalita si Rita Gaviola kaugnay sa ginawa sa kanya habang siya ay nasa live video selling. Aniya ayaw niya sana magsalita pero aniya ay below the belt ang komento.

Rita Gaviola sa bashers: "Ayoko na sana magsalita kaso below the belt"
Rita Gaviola sa bashers: "Ayoko na sana magsalita kaso below the belt"
Source: Facebook

Sa kanyang bagong pahayag, sinabi ni Rita naproud siya sa pagiging Badjao niya at walang mali doon.

I appreciate sa lahat ng concern about my live selling Ayoko na sana magsalita kaso below the belt and I’m proud to say na yes I’m ’Badjao native’ so what’s wrong dahil tagalog kayo myy god crab mentality

Read also

Rita Gaviola, engaged na sa kanyang non-showbiz partner

Dagdag pa niya, baka hindi kayanin ng mga nangbabash na ito sakaling sila ang makaranas ng hirap na pinagdaanan niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

dahil lang sa native ako sasabihan ako ng bumalik sa panlilimos and so what if bumalik ako sa part na yon ang mahirap is kayo ang makaranas ng hindi niyo naranasan baka hindi niyo Kayanin

Si Rita Gaviola ay unang nakilala sa bansag na "The Badjao Girl of Lucena" nang sumali siya sa Pinoy Big Brother 7 - Part 2: Teen Edition. Isa siyang katutubong Badjao na sumikat matapos makuhanan ng litrato ng isang photographer habang nasa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Agad siyang nakilala sa social media dahil sa angkin nitong kagandahan.

Si Rita ang nagwagi sa beauty contest sa isang episode nito sa "It's Showtime". Aniya, sumali siya sa patimpalak ng noontime show upang ipakita umano ang kakayahan ng isang katutubong Pilipino. Hindi rin niya ikinailang gusto niyang sumali sa iba pang pageant kagaya na lamang sa Miss Universe. Bukod sa kanyang pagsali sa 'Pinoy Big Brother Teen Edition', unang nakilala si Rita nang mag-viral ang kanyang picture sa social media.

Read also

Andre Yllana kay Andrea Brillantes: "Mag-iingat ka palagi kung hindi ako mag-iingat sa'yo"

Naging emosyonal si Rita na kilala bilang si Badjao Girl habang siya ay nasa live selling. Ito ay matapos siyang maliitin at insultuhin ng ilang bashers habang nagtitinda siya sa kanyang TikTok shop. Sinabihan siya ng bashers na bumalik na lang siya sa kalye at mamalimos kagaya sa dati niyang ginagawa. Ani Rita, proud siya kahit namalipos siya noon dahil sa nalampasan niyang hirap sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel