Keanna Reeves, hindi na raw nakikitang dadating pa ang kanyang Mr. Right

Keanna Reeves, hindi na raw nakikitang dadating pa ang kanyang Mr. Right

- Aminado si Keanna Reeves na parang hindi na raw niya nakikita na darating pa sa kanyang ang kanyang Mr. Right

- Natawa naman si Snooky Serna sa mga hirit nito kung sakaling may darating pa raw na Mr. Right para sa kanya

- Aniya, sana naman ay hindi nakatungkod at baka raw parehas na silang senior citizen

- Hindi rin daw siya naniniwala sa forever dahil para sa kanyang ang lahat ay may katapusan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tawang-tawa si Snooky Serna kay Keanna Reeves sa mga hirit nito tuwing sasagutin niya ang mga katanungan sa kanya. Aminado siyang parang hindi na raw niya nakikitang may darating pang Mr. Right para sa kanya.

Keanna Reeves, hindi na raw nakikitang dadating pa ang kanyang Mr. Right
Keanna Reeves, hindi na raw nakikitang dadating pa ang kanyang Mr. Right
Source: Youtube

Gayunpaman, sakaling may darating aniya sana ay huwag naman yung nakatungkod.

Kung merong darating sana naman yung hindi nakatungkod. Baka naman pareho na kaming senior citizen. Ayoko naman ng ganun. May forever ka nga pero pareho na kaming naka-maintenance. Baka naman pareho kami dun magkitaan sa Mercury.

Read also

Ivana Alawi, napa-walk out dahil sa pinakilalang 'boyfriend' ni Mona Alawi

Hindi din daw siya naniniwala sa forever dahil lahat ay may katapusan. Aniya, mas naniniwala siya sa happy ending.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Janet Derecho Duterte o mas kilala bilang si Keanna Reeves ay isang actress at comedian. Tinanghal siyang big winner ng celebrity edition ng Pinoy Big Brother noong 2006. Una siyang nakilala noong December 2004 matapos niyang aminin na isa siyang escort at ilan sa mga mambabatas ang kanyang mga kliyente.

Matatandaang nagbahagi ng kanyang opinyon si Keanna kaugnay sa naging pahayag ni Jennylyn Mercado. Ito ay ang paglabas ng opinyon ni Jennylyn tungkol sa ilang isyung panlipunan kagaya na lamang ng iniimbistigahang anomalya umano sa PhilHealth. Sinagot ito ni Arnel Ignacio at pinayuhan si Jennylyn tungkol sa kanyang pagsasalita sa mga isyung makaapekto raw sa magandang career ng aktres. Umani ng samu't saring reaksiyon ang paghahayag ng opinyon ni Keanna kaugnay sa isyu.

Read also

Gaile Francesca sa mga anak ni Francis M: "I hope that you accept me"

Naging usap-usapan rin ang panayam ni Morly Alinio kay Keanna. Dito ay inamin ni Keanna ang mga panandaliang mga relasyon niya sa ilang personalidad. Inamin niya rin na mayroong ilan na minahal niya at karamihan sa kanila ay parang dumaan lang sa kanyang buhay. Nabanggit niya rin na ang kanyang pinakahuling relasyon ay sa isang aktor na nasa pangangalaga ng Star Magic at nagsisimula sa F ang pangalan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate