Ivana Alawi, napa-walk out dahil sa pinakilalang 'boyfriend' ni Mona Alawi

Ivana Alawi, napa-walk out dahil sa pinakilalang 'boyfriend' ni Mona Alawi

- Pinagplanuhang maigi ni Mona Alawi ang kanyang boyfriend prank sa kanyang ate na si Ivana Alawi

- Aniya, kailangan niyang bumawi dahil kahit napag-usapan nilang wala nang prank ay na-prank siya ng ate niya nang bigyan siya nito ng sasakyan

- Kinasabwat ni Mona ang kanyang mama, kuya at kanyang ate para matulungan siya sa kanyang prank

- Kinausap niya ang kanyang kasabwat na nagpanggap na boyfriend na maging mayabang para maasar si Ivana at napa-walk out nga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagtagumpay si Mona Alawi na asarin ang ate niyang si Ivana Alawi sa kanyang 'Boyfriend prank.' Aniya, matagal niyang pinagplanuhan ang prank para hindi makahalata ang kanyang ate.

Ivana Alawi, napa-walk out dahil sa pinakilalang 'boyfriend' ni Mona Alawi
Ivana Alawi, napa-walk out dahil sa pinakilalang 'boyfriend' ni Mona Alawi
Source: Youtube

Ani Mona, hindi siya kaagad nang prank para hindi masyadong halata. Nauna na kasing nasabi ng ate niya na 18 taon pa siya bago siya pwedeng mag-boyfriend.

Read also

Keanna Reeves, hindi na raw nakikitang dadating pa ang kanyang Mr. Right

Kasabwat ni Mona ang kanyang mga kapatid at ang kanilang mama sa kanyang prank. Kinausap niya rin nang maayos ang kanyang kasabwat na nagpanggap na boyfriend niya. Binilin niya kung paano siya dapat umasta para maasar daw ang ate niya.

Nagtagumpay naman sila dahil ilang beses na napa-walk out si Ivana. Inamin nito na asar na asar siya sa kayabangan ni 'Jake Santos' na hindi tunay na pangalan ng fake na boyfriend ni Mona.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Panuorin ang kabuohan ng vlog nila dito:

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Read also

Gaile Francesca sa mga anak ni Francis M: "I hope that you accept me"

Kamakailan ay kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni Doktora. Agad pinuna ni Dra. Belo ang kanyang pananamit at sinara ang suot nitong cardigan sabay nagbiro na siya na lang ang magsasara dahil delikado pag si Hayden. Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro.

Naibahagi din ni Ivana Alawi sa vlog niya ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa. Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog. Kinuwento nila ang kanilang mga memories sa dating bahay na ayon sa kanila ay malaki na para sa kanila. Pinakita nila ang ilang bahay na kanilang nilipat-lipatan noong doon sila nakatira.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate