Gaile Francesca sa mga anak ni Francis M: "I hope that you accept me"

Gaile Francesca sa mga anak ni Francis M: "I hope that you accept me"

- Nakapanayam ni Julius Babao si Gaile Francesca sa kanyang YouTube channel kung saan naibahagi niya ang kanyang saloobin matapos ang kontrobersiyal na pagpapakilala sa kanya

- Natanong ni Julius Babao si Francesca kung ano ang kanyang mensahe para sa mga anak ng Master Rapper na si Francis M

- Hiling niya na sana raw ay matanggap siya ng mga ito at wala siyang masamang intensiyon

- Nakatakda din daw siyang maglabas ng kanyang single dahil gusto niya ring pasukin ang showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakapanayam ni Julius Babao ang anak ni Abegail Rait na si Gaile Francesca. Naibahagi nito ang kanyang saloobin kaugnay sa naging reaksiyon ng mga tao matapos silang maging usap-usapan nitong mga nakaraang araw.

Gaile Francesca sa mga anak ni Francis M: "I hope that you accept me"
Gaile Francesca sa mga anak ni Francis M: "I hope that you accept me"
Source: Youtube

Aniya, hindi naman siya naapektuhan dahil aniya ay alam niya ang totoong kwento ng kanyang mga magulang. Naitanong din ni Julius sa kanya kung ano ang kanyang mensahe sa mga anak ni Francis M na umano ay kanyang mga kapatid.

Read also

Rey PJ Abellana: "Si Tom e kusang nagsadya dito at personal na kinausap ako"

Kung dumating daw ang punto na magkita-kita sila ay willing siya na makipagkita sa kanila.

Hiling niya na sana raw ay matanggap siya ng mga ito at wala siyang masamang intensiyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

I want to tell them that I hope that you accept me. I don't have any bad intentions po.

Para naman sa kanyang ina, pinayuhan niya ito na maging malakas sa kabila ng mga komento ng mga tao sa kanya dahil aniya ay hindi naman nila alam ang totoong kwento. Aniya, gusto niyang malaman ng mga tao ang totoong kwento para matigil na rin ang pangbabatikos sa kanila.

Si Francis Michael Durango Magalona na mas kilala bilang si Francis M ay isang Filipino rapper, singer, songwriter, entrepreneur, actor, at television personality. Siya ang maituturin gn haligi ng Pinoy hip-hop industry. Si Francis M ang ama ng mga showbiz personality na sina Maxene Magalona at Elmo Magalona. Marso ng 2009, binawian ng buhay si Francis M dahil umano sa leukemia.

Read also

Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza: "Maine nak, I love watching you & Arjo happy"

Samantala, matatandaang naging bahagi rin ng Eat Bulaga si Francis M kung saan umano nito nakilala si Abegail. Sa naturang programa rin isinapubliko ang kanyang pagpanaw na pansamantalang nagpatigil noon sa programa upang alayan siya ng panalangin. Matatandaang kamakailan lamang, inalala siya ng anak na si Maxene Magalona na naibahagi ang kanyang naging interview sa ama noong 1996.

Lumantad umano sa Pinoy Pawnstars ang nagpakilalang nakarelasyon noon ng namayapang si Francis M. Dala nito ang Jersey ni Francis na umano'y suot nito na maituturing niyang early premonition ng mangyayari rito. Mayroon din siyang dalang signed notes ng 'Master Rapper' na ang tawag umano sa kanya ay "hon."Taong 2007 nang ipanganak niya ang supling nila ni Francis M na ang mismong Master rapper pa umano ang nagpangalan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate