Cristy sa balitang nabuntis umano ni Piolo si Shaina: "Super F.A.K.E. news"

Cristy sa balitang nabuntis umano ni Piolo si Shaina: "Super F.A.K.E. news"

- Nagbigay reaksyon si Cristy Fermin sa napabalitang buntis umano si Shaina Magdayao

- Inalmahan ito ni Cristy lalo na at ang umano'y tinuturong ama ay si Piolo Pascual

- Ani Cristy, "super fake news" daw umano ito na hindi talaga dapat paniwalaan

- Matatandaang sa isang interview ni Ogie Diaz kay Piolo, sinabi ng aktor na wala umano siyang karelasyon ngayon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika sa Showbiz Now Na! ang tungkol sa umano'y napapabalitang nagdadalang tao ang aktres na si Shaina Magdayao.

Cristy sa balitang nabuntis umano ni Piolo si Shaina: "Super F.A.K.E. news"
Piolo Pascual and Shaina Magdayao ( The ABS-CBN Ball 2023)
Source: Facebook

Bukod dito, mas tinutukan nina Cristy ang ang anggulo kung saan si Piolo Pascual umano ang ama ng sinasabing dinadala ni Shaina.

"Ako sa'kin ha. Diretso ko nang sinasabi, fake news po ito. Super F.A.K.E. news," ani Cristy.

Read also

Lani Mercado, sa pagtungo noon sa simbahan: "Kasi ang pinag-uusapan sa pulpito kami"

Matatandaang mismong pinabulaanan ito ni Shaina sa isa sa kanyang mga Instagram stories kamakailan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pagpapatuloy ni Cristy, nabanggit nito ang tungkol kay Piolo sa kung bakit hindi pupwedeng maging ama ito ng pagbubuntis ni Shaina na wala umanong katotohanan.

"Tayo ay masyado nang pinanday ng paniniwala na si Piolo Pascual po ay ika kwestyon ang kanyang kasarian. 'Dun siya talo e. 'Dun siya talo talaga."
"Fake news ito, wala pong katotohanan ito, at ang paniniwala namin pati ang paniniwala ng ating mga kababayan parehong-pareho po. Maaring tayo ay nagkakasala dahil pwede naman."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Piolo Jose Nonato Pascual ay isang actor, singer, model, at producer sa bansa. Kabila-kabila ang mga pelikula niyang pumatok sa takilya tulad nang 'Breakup Playlist' kung saan kasama niya si Sarah Geronimo at 'Starting Over Again' kung saan nakapareha naman niya si Toni Gonzaga.

Read also

Nagpakilalang nakarelasyon noon ni Francis M, lumantad sa Pinoy Pawnstars

Samantala, matatandaang minsan nang napabalitang exclusively dating noon sina Shaina at Piolo Pascual. Subalit sa panayam ni Ogie Diaz kay Piolo noong Hunyo ng kasalukuyang taon kay Piolo, nabanggit nitong ilang taon na siyang siyang single at hindi pa umano handang pumasok muli sa isang relasyon.

Nasabi rin niyang, hindi niya prayoridad ngayon ang pakikipagrelasyon lalo na ang paglagay sa tahimik dahil sa dami ng pwede pa niya umanong gawin. Matatandaang pinasok na rin ni Piolo ang mundo ng teatro na para sa kanya, isa umano itong panibagong karangalan gayung mahal niya talaga ang pag-arte.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel