Joshua Garcia, dinipensahan ni Ogie D: "Mabilis lang siyang nakakahanap"

Joshua Garcia, dinipensahan ni Ogie D: "Mabilis lang siyang nakakahanap"

- Dinipensahan ni Ogie Diaz si Joshua Garcia sa mga nagsasabing 'red flag' umano ito

- Dahil daw sa napapansin ng publiko na tila mabilis itong magbago ng napapabalitang karelasyon

- Isa sa nasabi ni Ogie ay marahil mabilis lamang maka-move on si Joshua

- Sa ngayon, ang French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier madalas na makitang kasama ni Joshua

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinipensahan ni Ogie Diaz si Joshua Garcia sa mga nagkokomentong 'red flag' umano ang tila paiba-iba ito ng napapabalitang karelasyon.

Joshua, dinipensahan ni Ogie D: "Mabilis lang siyang nakakahanap"
Joshua Garcia (Joshua Garcia Fanpage)
Source: Facebook

May mga nagkokomentong tila mabilis na magpalit ng girlfriend si Joshua bagay na hindi naman diretsahang nakumpirma ng aktor kung nakarelasyon man niya o hindi ang mga nali-link sa kanya.

Depensa ni Ogie, hindi naman umano nagsabay ng babae si Joshua na hindi rin naman umano napabalitang nagagawa niya.

Read also

Vice Ganda, pinapayuhan ng ilan na hiwalayan na umano si Ion ayon kay Cristy Fermin

"Hindi naman siya nag-overlapping. Siguro pagkatapos ng isa, mabilis lang siyang nakakahanap noh! Madali siyang nakaka-move on," paliwanag ni Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ngayon, ang French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier madalas na makitang kasama ng aktor.

Katunayan, mismong si Emillienne na rin ang nakakapag-share ng ilang maituturing umanong sweet moments nila ni Joshua tuwing sila'y magkasama.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Ate Mrena sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Joshua Garcia ay isang aktor at modelo sa bansa na produkto ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN noong 2015. Naging karelasyon niya si Julia Barretto at labis na naging usap-usapan ang muli nilang pagsasama sa music video ng kanta ni Moira na 'Paubaya.' Naging bahagi rin siya ng Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Read also

Cristy sa napapabalita umanong buntis na si Sarah G: "Kasal nga nila nailihim nila e"

Sa ngayon, bahagi siya ng isa sa pinakaabangang teleserye gabi-gabi ang Unbreak My Heart. Ito ang kauna-unahang proyekto kung saan nagsanib pwersa ang GMA at ABS-CBN at Viu. Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, nabanggit ni Joshua na sumailalim pa sila sa sensuality workshop nina Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia upang mapaghandaan ang ilang eksena nila sa serye.

Samantala, sa panayam ni Ogie Diaz kay Maricel Soriano, isa si Joshua sa mga napuri ng nag-iisang Diamond Star. Ayon kay Maricel, nababaitan umano siya sa aktor na nais niyang maimbitahan at ma-interview sa kanyang YouTube channel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel