Cristy sa napapabalita umanong buntis na si Sarah G: "Kasal nga nila nailihim nila e"

Cristy sa napapabalita umanong buntis na si Sarah G: "Kasal nga nila nailihim nila e"

- Naibahagi ni Cristy Fermin ang napapabalitang lagay umano ni Sarah Geronimo

- Ito ay ang pagdadalang-tao raw ni Sarah na siyang tinutukoy na 'medical condition' nito

- Matatandaang ito ang naging dahilan bakit hindi natuloy ang show nila ni Bamboo sa Pampanga

- Totoo man o hindi, tiyak na marami pa rin umanong matutuwa sakaling nagdadalang-tao na si Sarah G sa panganay nila ni Matteo Guidicelli

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan ngayon ang napapabalitang pagdadalang-tao ni Sarah Geronimo ayon kay Cristy Fermin.

Cristy sa napapabalita umanong buntis na si Sarah G: "Kasal nga nila nailihim nila e"
Sarah Geronimo (Sarah Geronimo FB)
Source: Facebook

Sa bagong episode ng Showbiz Now Na! ito ang una nilang natalakay nina Romel Chika at Wendel Alvarez.

"Nagliliihi na raw si Sarah Geronimo? Hindi nga po ba, yung kanilang concert ni Bamboo sa Pampanga postponed. Naudlot tapos marami siyang hindi napuntahan na kompromiso. Ang sabi ng Viva ang kanyang management agency, yung medical condition nga raw. Ano kaya yun e mukha namang walang sakit si Sarah. So meron pong mga nagkwento sa amin. Mukhang ito na po 'yun. Pregnant na raw," ani Cristy.

Read also

Ogie Diaz kay Yexel Sebastian: "Sagutin niyo naman yung investors niyo, kawawa naman"

Totoo man o hindi ang balitang ito, tiyak na marami umanong matutuwa sakaling magkakaroon na nga ng panganay sina Sarah at Matteo Guidicelli.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito na rin marahil ang magiging daan upang magkaayos na sina Sarah at kanyang pamilya.

"At ito na po ang makapagpapalambot nang tuluyan sa puso ni Mommy Divine," ani Cristy.

"Pero alam mo, mas naniniwala nga ako na nagdadalang-tao na at inililihim lang. Kasal nga nila nailihim nila e," giit ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A Night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.

Read also

Yexel Sebastian at Mikee Agustin, ipina-Tulfo na ng kanila umanong mga na-scam

Bukod sa pagiging isang napakahusay na singer/performer, pumatok din sa takilya ang ilang pelikula nila ni John Lloyd Cruz tulad ng 'A Very Special Love,' 'You Changed My Life,' 'It Takes a Man and a Woman,' at 'Finally Found Someone'

Noong Mayo, ipinagdiwang ni Sarah ang 20 taon niya sa showbiz sa isang concert na ginanap sa Araneta Coliseum. Usap-usapan ito lalo na at marami umanong nag-abang kung dadalo ang pamilya ni Sarah lalo na ang kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel