Vice Ganda, pinapayuhan ng ilan na hiwalayan na umano si Ion ayon kay Cristy Fermin

Vice Ganda, pinapayuhan ng ilan na hiwalayan na umano si Ion ayon kay Cristy Fermin

- Naikwento ni Cristy Fermin na may ilang nagsasabing hiwalayan na sana ni Vice Ganda si Ion Perez

- Iniuugnay kasi ito ng iba sa mga 'di magagandang nangyayari sa unkabogable star

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Isa na nga rito ang supensyon ng programa nilang It's Showtime na magsisimula na umano sa Oktubre 14

- Sinasabing sina Luis Manzano, Robi Domingo at Melai Francisco ang ilan sa mga hosts ng programang pansamantalang papalit sa It's Showtime

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! muling natalakay nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika ang tungkol sa magaganap nang suspensyon ng programang It's Showtime.

Vice Ganda, pinapayuhan ng ilan na hiwalayan na umano si Ion ayon kay Cristy Fermin
Vice Ganda and Ion Perez (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Matatandaang ang naging dahilan umano nito ay ang 'icing incident' nina Vice Ganda at Ion Perez na inireklamo nang ilan na hindi tama lalo na at may kasama silang mga bata sa entablado kung saan nila ito nagawa. Bukod dito, may ilang mga reklamo na rin umanong natanggap ang MTRCB tungkol sa umano'y nalabag ng noontime show.

Read also

Cristy sa napapabalita umanong buntis na si Sarah G: "Kasal nga nila nailihim nila e"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinasabing ang naturang suspensyon ay isa lamang sa mga hindi kagandahang nangayayri kay Vice Ganda buhat ng magkaroon sila ng relasyon ni Ion Perez ayon sa mga nakarating kay Cristy.

"Meron tuloy nagsasabi ngayon na, Vice, hiwalayan mo na si Ion. Hindi mo ba napansin mula nung naging kayo, ang dami nang senaryo sa buhay mo na hindi kagandahan. Lagi ka nang nagiging target ng mga intriga. Lagi kang sumasabit. Baka mukhang hindi magandang ano sa'yo si Ion," pagbabahagi ni Cristy ng umano'y komento ng ilan sa relasyon ng dalawang It's Showtime hosts.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube Channel:

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.

Read also

LJ Reyes, ikinasal na umano sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista

Nito lamang Hunyo 28 ng kasalukuyang taon, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.

Labis na gumawa ng ingay ang umano'y reklamo laban sa It's Showtime dahil sa kontrobersyal na icing incident nina Vice Ganda at Ion Perez na sinasabing isa lamang sa ilan pang paglabag ng programa sa MTRCB. At sa darating na Oktubre 14, haharapin ng It's Showtime ang kanilang suspensyon kaugnay nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel