Singsing na suot ni Julia Montes sa ABS-CBN ball, agaw-pansin

Singsing na suot ni Julia Montes sa ABS-CBN ball, agaw-pansin

- Kabilang sina Coco Martin at Julia Montes sa mga dumalo sa ginanap na ABS-CBN ball

- Magkasabay at magkahawak-kamay na rumampa sa red carpet sina Coco at Julia

- Kabilang nga sa napansin ng mga netizens ay ang suot na singsing ni Julia

- Naibahagi din ng kanyang handler na si Mac Merla ang picture ng kamay ni Julia na suot-suot ang singsing

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bukod sa sweetness nina Coco Martin at Julia Montes nang sumalo sila sa ABS-CBN Ball, napansin ng mga netizens ang suot na singsing ni Julia. Lumabas ang iba-ibang espikulasyon matapos din ibahagi ng handler ni Julia na si Mac Merla ang picture ng kamay ni Julia na suot-suot ang singsing.

Singsing na suot ni Julia Montes sa ABS-CBN ball, agaw-pansin
Singsing na suot ni Julia Montes sa ABS-CBN ball, agaw-pansin
Source: Instagram

Kabilang sa mga naging espikulasyon ay engagement ring o di kaya ay wedding ring ang suot ni Julia. Dahil nga hindi gaanong nagbabahagi sina Julia at Coco tungkol sa kanila ay napapaisip ang kanilang mga supporters kung ikinasal na ba sila.

Read also

Gerald Anderson, natanong tungkol sa kasalan: "Mas marami pang problema sa mundo ngayon"

Singsing na suot ni Julia Montes sa ABS-CBN ball, agaw-pansin
Singsing na suot ni Julia Montes sa ABS-CBN ball, agaw-pansin (@macmerla)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinakiligan ang dalawa sa kanilang pagrampa sa red carpet nang magkahawak-kamay.

Bagay na bagay kay Coco ang kanyang suot na black tuxedo samantalang itim na gown ang suot ni Julia.

Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay ay isang aktres na may lahing German. Nag-umpisa ang kanyang karera sa showbiz nang mapabilang siya sa youth-oriented gag show na "Goin' Bulilit". Bumida din siya sa ilang mga teleserye kagaya ng "Mara Clara", "Asintado" at "Doble Kara".

Kamakailan ay nagbahagi si Julia Montes ng video niya. Umani ng mga puri at positibong komento ang post na ito ni Julia sa kanyang Instagram feed. Marami ang nakapansin sa kanyang kagandahan sa naturang video kung saan sinabi niyang naghahanda siya para sa isang pelikula. Agad na nag-viral ang post na ito ni Julia.

Read also

Luis Manzano, ibinida ang kanyang voice lessons kay Erik Santos

Kabilang sina Julia at Coco Martin sa mga personalidad na dumalo sa ginanap na birthday party para sa ABS-CBN Executive na si Deo Endrinal. Marami din na mga TV personalities ang naroroon sa naturang party. Kabilang sa mga naroroon din ay ang mga Kapamilya stars na sina Dimples Romana, Andrea Brillantes, Alexa Ilacad, at Cherry Pie Picache.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel