Luis Manzano, ibinida ang kanyang voice lessons kay Erik Santos

Luis Manzano, ibinida ang kanyang voice lessons kay Erik Santos

- Kinaaliwan ang mga hirit ni Luis Manzano sa kanyang video kung saan nag-voice lessons siya kay Erik Santos

- Binahagi ni Erik ang kanyang mga tips pagdating sa pagkanta

- Hindi naman napigilang matawa ni Eric nang mag-vocalize siya dahil aniya ay second voice pa rin kahit vocalization pa lang

- Sinabayan ni Luis si Erik na kantahin ang kanyang mga awiting 'Kung Akin ang Mundo" at "I'll Never Go"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Luis Manzano ang kanyang voice lessons kay Erik Santos. Hindi napigilang matawa ni Erik sa mga kwelang hirit ni Luis.

Luis Manzano, ibinida ang kanyang voice lessons kay Erik Santos
Luis Manzano, ibinida ang kanyang voice lessons kay Erik Santos (Luis Manzano/YouTube)
Source: Youtube

Bago ang kanilang pagkanta ay nagturo muna si Erik ng ilang vocalization exercises. Tawang-tawa si Erik dahil aniya ay second voice pa rin si Luis kahit sa vocalization.

Kinanta nila ang mga kantang 'Kung Akin ang Mundo" at "I'll Never Go" na pinasikat ni Erik.

Read also

Vice Ganda, pinasilip ang masayang bonding ng Showtime family sa Hong Kong

Naibahagi din ni Erik ang kanyang technique kapag nakakalimutan niya ang lyrics ng kanta. Aniya, kapag nangyari iyon ay dapat todo-emote pa rin habang nag-improvise ng lyrics o di kaya mag-adlib na lang.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Luis Manzano ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kilala siya sa pagiging isa sa mahusay na TV hosts sa bansa. Ikinasal siya kay Jessy Mendiola na nakilala naman sa mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Read also

Erik Santos, 'nakipag-away' para kay Angeline Quinto dahil sa prank

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel