Zeinab, ipinakilala ang iba pang "Zeinab Harake" nang magpunta sila sa Lebanon

Zeinab, ipinakilala ang iba pang "Zeinab Harake" nang magpunta sila sa Lebanon

- Ipinakita ni Zeinab Harake ang iba pang mga 'Zeinab' sa kanilang pamilya nang magpunta sila sa Lebanon

- Kung dito sa Pilipinas ay kakaiba raw ang pangalang ito, sa Lebanon ay marami umano silang Zeinab Harake

- Makikita rin kung gaano kasaya si Zeinab nang makasama naman niya ang pamilya ng kanyang ama

- Ito umano ang unang pagkakataon na nakasama ni Zeinab ang pamilya niya sa Lebanon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Zeinab Harake ang mga pangyayari sa kanilang Lebanon trip kasama ang kanyang buong pamilya.

Zeinab Harake, ipinakilala ang iba pang mga "Zeinab" nang magpunta siya sa Lebanon
Zeinab Harake (Zeinab Harake Facebook)
Source: Facebook

Isa na rito ay ang pagpapakilala ni Zeinab ng iba pang mga Zeinab sa kanilang pamilya.

Kung dito kasi umano sa Pilipinas ay kakaiba ang kanyang pangalan at hindi pa nabibigkas ng iba, Sa Lebanon ay marami silang Zeinab.

Read also

Jiro Manio, isa na ngayong co-facilitator sa pinagdalhan sa kanya noon na rehab

Sa kanilang pamilya na lang, dalawa ang Zeinab na kanyang naipakilala. Una ang kanya mismong lola, ang ina ng kanyang ama. At isa niyang pinsan na isang taon lamang ang tanda niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Makikita kung gaano kasaya si Zeinab na makasama ang mga taong kalahati umano ng kanyang buhay.

Narito ang kabuuan ng kanyang pinakabagong vlog:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.7 million subscribers sa kanyang channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Matatandaang sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby ray Parks Jr. ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song.'

Read also

Miho Nishida at anak na si Aimi, kinaaliwan sa kanilang mga TikTok videos

Katunayan sa isang vlog kung saan kasama ni Zeinab ang ama, nabanggit din nila ang kasal at sumagot naman ang kanyang daddy na 'it's too early.' Gayunpaman, nais daw nitong makilala nang husto si Ray na nilarawan niyang smart, charismatic at knows how to respect. Mula nang lumantad na sila sa publiko ay halos hindi na mapaghiwalay sina Zeinab at Bobby Ray Parks Jr. lalo na nang mapalapit na rin ang mga anak ni Zeinab sa kanilang "Daddy Ray."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica