Miho Nishida at anak na si Aimi, kinaaliwan sa kanilang mga TikTok videos

Miho Nishida at anak na si Aimi, kinaaliwan sa kanilang mga TikTok videos

- Marami ang naaliw sa mga videos ng mag-inang Miho Nishida at Aimi sa TikTok ng dating PBB housemates

- Bukod sa mukha lang daw silang magkaibigan, marami ang namangha na makitang dalaga na ang anak ni Miho

- Karamihan sa mga nagkokomento ay patungkol sa pagkakahawig umano ni Aimi sa kanyang ina

- Matatandaang nakilala din si Aimi habang nasa PBB house si Miho dahil pinayagan itong makadalaw sa kanyang ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang mag-inang Miho Nishida at Aimi sa kanilang mga TikTok videos. Dahil dalaga na si Aimi ay nagmukha na daw magbarkada lang ang mag-ina ayon sa ilang netizens.

Miho Nishida at anak na si Aimi, kinaaliwan sa kanilang mga TikTok videos
Miho Nishida at anak na si Aimi, kinaaliwan sa kanilang mga TikTok videos
Source: Instagram

Kahit kasalukuyang nasa Japana ay hindi nagpapahuli sa mga TikTok trends na nauuso dito sa bansa ang mag-ina. Maging sa 'Super Bass' challenge ay mayroon din silang entry.

Read also

Maggie Wilson, nagbigay ng 24 oras ultimatum sa mga kasali sa umano'y smear campaign

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Luh, anlaki na ni Aimi. antatanda na pala natin mga auntie

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang laki na ni Aimi.. patunay na tumatanda na ko hahahaha
Dati inaalagaan lang siya sa ng mga housemate ni Miho, grabe tanda ko na talaga haha

Si Miho Nishida ay naging bahagi ng Pinoy Big Brother na kinalaunan ay naging kapalagayang loob ng kapwa housemate niyang si Tommy Esguerra. Nakilala ang tambalan nila sa tawag na TomiHo tandem. Nang tumagal ay umanin sila tungkol sa kanilang relasyon. Gayunpaman, nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon na ikinadismaya ng mga ToMiho fans.

Sa isang panayam ay ibinahagi ni Miho Nishida ang kanyang trabaho sa Japan sa kasalukuyan. Matapos niyang mapagpasyahang lisanin ang bansa, naibahagi niya ang kanyang kalagayan matapos niyang pansamantalang natigil sa showbiz. Aniya, kasalukuyang nagtatrabaho siya sa isang aesthetic salon at tumutulong siya sa pagpapaganda ng mga tao. Matatandaang unang sumikat si Miho nang mapabilang siya sa Pinoy Big Brother.

Read also

Jason Francisco, kinaaliwan kung paano niya pinipigilan ang pagiging madaldal ni Melai

Matapos ang hiwalayang Miho Nishida at Tommy Esguerra, naiugnay si Miho sa mang-aawit na si Young JV. Gayunpaman, naging usap-usapan din ang paghihiwalay nila matapos magbahagi ng cryptic message si Miho. Sa kasalukuyan, inamin ni Miho na mayroon nang lalaking nagpapasaya sa kanyang puso at hindi na ito mula sa showbiz. Aniya, isang businessman ang kanyang kasalukuyang karelasyon habang siya ay naninirahan sa Japan kung saan nagtatrabaho din siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel