Rendon, nag-sorry sa mga artistang nabigyan ng komento: "I'm apologizing"
- Humingi ng dispensa si Rendon Labador sa mga artistang nabigyan niya ng komento at gumawa ng ingay sa social media
- Binanggit din niya ang pangalan ng mga artistang ito at sinabing wala umano siyang masamang intensyon sa mga ito
- Matatandaang nasa tatlong linggo na umano ang lumipas mula nang mawala ang Facebook page ni Rendon
- Kamakailan lang ay tila naglalambing ito sa publiko at nagpapa-good shot sa kanyang mga post na may hashtag na "lablablabador"
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
"I'm apologizing," ang nasabi ni Rendon sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz kung saan natalakay nila ang mga komentong naibato ni Rendon kahit sa mga malalaking pangalan sa industriya ng showbiz.
Ayon pa kay Rendon, "trying to better" siya umano lalo na ngayo't nakikinig naman na siya sa mga opinyon sa kanya ng mga tao.
"Im trying to be perfect. Ngayon naman nakikinig na ako. Marami akong opportunities. Marami naman akong nasaktan din naman talaga. Yun din naman yung regret ko talaga. I'm trying to be better," aniya.
"So kung nasaktan ko man kayo, kay Vice, Ion, lahat ng artista, Michael V. I'm apologizing. Wala akong masamang intensyon sa inyo, Hindi ko kayo dini-discredit. I'm thankful sa mga nagawa ninyo. Ang gusto ko lang matulungan, magising. Sana makasama ko kayo sa pagbago ng Pilipinas," dagdag pa nito.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Narito ang kabuuan ng panayam ni Ogie kay Rendon mula sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.
Naging sunod-sunod ang pagbibigay komento niya maging sa mga kilalang personalidad sa bansa. Kamakailan lang, inanunsyo ni Rendon na wala na ang Facebook page niya at hanggang ngayon, umaasa siyang maibabalik ito sa kanya.
Tila sinubukan ni Rendon na maglambing sa publiko sa kanyang mga bagong IG story. Katunayan may hashtag pa ang kanyang naging post na 'lablablabador' na aniya'y pagiging positibo na ngayon sa kanyang mga naibabahagi bilang motivational speaker.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh