Jiro Manio, labis pa rin ang pasasalamat kay Ai-Ai Delas Alas
- Labis pa rin umano ang pasasalamat ni Jiro Manio sa tumayong ikalawang ina niya na si Ai-Ai Delas Alas
- Ayon kay Jiro, nauunawaan niya noon si Ai-Ai nang tumigil na umano itong sumuporta sa kanya
- Matatandaang si Ai-Ai ang makailang beses na nagmalasakit kay Jiro nang ito ay malulong sa ipinagbabawal na gamot
- Sa ngayon, isa nang co-facilitator si Jiro sa pinagdalhan sa kanyang rehabilitation center noon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Labis pa rin umanong nagpapasalamat si Jiro Manio sa kanyang naging ikalawang ina na si Ai-Ai Delas Alas.
Matatandaang nakatrabaho ni Jiro si Ai-Ai sa pelikulang Tanging Ina. At tulad ng karakter nila sa pelikula, sinuportahan ni Ai-Ai si Jiro na parang sarili niya itong anak.
Kahit pa noong ito'y naligaw ng landas at makailang beses na nahuling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, ang kanyang "Mama Ai" pa rin ang gumawa ng paraan upang maisalba pa rin ang nalilihis niyang buhay.
Subalit, dumating umano sa maituturing na kasukdulan kung saan tumigil na ng pagtulong sa kanya ang aktres.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Gayunpaman, hindi nagtanim ng anumang sama ng loob si Jiro na hanggang ngayo'y nagpapasalamat sa tumayong ikalawang ina niya.
"Laking pasalamat ko pa nga po. Birthday ko po noon binati niya po ako, niregaluhan pa po niya ako ng cake. Pinapunta pa niya ako sa restaurant niya, binigyan pa niya ako ng pera," pagbabalik-tanaw ni Jiro sa huling pagsasama nila ni Ai-Ai.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Julius Babao Unplugged channel:
SiJiro Manio ay dating aktor sa Pilipinas. Lumabas siya sa iba't ibang mga programa at pelikula subalit ang tumatak na karakter sa kanya ay ang pagiging si 'Magnifico' noong siya'y sampung taong gulang pa lamang.
Naging bahagi rin si Jiro ng pelikulang Tanging Ina na siyang naging daan upang makilala niya si Aiai Delas Alas na siyang tumayong ikalawang ina ni Jiro sa totoong buhay. Matatandaang si Ai-ai ang nagmalasakit kay Jiro na maipasok sa rehab matapos itong matagpuan na pagala-gala sa Ninoy Aquino International airport noong 2015.
Nakalabas ito noong Enero 2017 ngunit ibinalik rin dahil labis na nag-alala si Ai-Ai kay Shammy (pangalan ni Jiro sa 'Tanging Ina') kaya labag sa kalooban niyang ibinalik na muli ito sa rehab. Pebrero noong 2018, nagkaroon ng reunion ang 'Magnifico' stars na sina Jiro Manio at Isabella De Leon kung saan inulit pa nila ang 'iconic pose' nila sa pelikula.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh