SB19 kasama si Sandara Park sa collab nila ng 'Gento', mabilis na nag-viral

SB19 kasama si Sandara Park sa collab nila ng 'Gento', mabilis na nag-viral

- Mabilis na nag-viral ang video ng 'Gento' collab ng grupong SB19 at ni Sandara Park

- Agad na pumalo sa daang libong views ang video hindi pa man lumilipas ang isang araw mula nang ito'y ma-post

- Naibahagi rin Sandara ang naturang collab kung saan may caption itong "P-pop meets K-pop"

- Samantala, kamakailan ay nasa bansa si Sandara kung saan naging guest siya ng Thai K-pop star BamBam kung saan una siyang nakitang sumayaw ng Gento

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinagiliwan ng marami ang 'Gento' collab video ng grupong SB19 at ni Sandara Park.

SB19 kasama si Sandara Park sa collab nila ng 'Gento', mabilis na nag-viral
SB19 kasama si Sandara Park (@officialsb19/ @daraxxi)
Source: Instagram

Pareho nila itong naibahagi sa kani-kanilang social media page at na agad pumalo sa daan-daang libong views.

"P-pop meets K-pop," ang naging caption ni Sandara sa post kasama ang SB19.

Read also

Ryan Bang, mapapanood sa GMA comedy show na Bubble Gang

"Ate Dara bringing the (fire emoji) to GENTO!" ang bahagi ng caption ng SB19 na humirit pa umano ng 'more collab' sa KPop star.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasalukuyang nasa bansa si Sandara kung saan naging panauhin siya ng Thai K-pop star BamBam noong September 23.

Doon unang nakita si Sandara na humataw ng Gento kasama si Bambam na labis na pinalakpakan ng mga manonood.

Samantala, natapos naman na ang 'Pagtatag' World Tour ng SB19 noong nakaraang buwan. Lilipad naman ang grupo sa susunod na buwan patungong Indonesia para sa ASEAN-Korea Music Festival Round na gaganapin sa Beach City International, Stadium sa Ancol, Jakarta.

Si Sandara Park ay unang nakilala sa Pilipinas nang sumali siya sa reality show ng ABS-CBN na "Star Circle Quest" noong 2004. Matapos ito umusbong na ang kanyang acting at singing career sa bansa kung saan nabansagan siya bilang "Pambansang Krung-Krung."

Read also

Ilang TikTokers, umamin na scripted ang kanilang ginawang video laban kay Maggie Wilson

Samantala, labis ang popularidad ngayon ng grupong SB19. Unti-unti na rin silang nakikilala hindi lang sa Asya kundi maging sa iba pang bahagi ng mundo. Ang isa sa kanilang miyembro na si Stell ay bahagi rin ngayon ng singing reality show na The Voice Generations kung saan isa siya sa mga coaches.

Katunayan, isa sa mga kapwa niya coach na si Chito Miranda ay labis na humahanga kay Stell. Ani Chito, mahusay si Stell sa kanyang larangan at nilarawan niya ito bilang isang rebelasyon sa ibinabahagi nitong talento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel