Ryan Bang, mapapanood sa GMA comedy show na Bubble Gang

Ryan Bang, mapapanood sa GMA comedy show na Bubble Gang

- Pinasilip ni Ryan Bang sa kanyang Instagram story ang kanyang guesting sa GMA comedy show na Bubble Gang

- Ni-repost niya ang IG story ng Bubble Gang star na si Analyn Barro kung saan magkakasama sila sa picture

- Bukod kay Analyn, kasama din nila sa picture si Paolo Contis at Kokoy De Santos

- Matatandaang kamakailan ay nag-guest din si Ryan sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan nakasama niya si Jhong Hilario

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Ryan Bang sa kanyang Instagram stories ang ilang pasilip sa kanyang guesting sa Bubble Gang. Ito ang kanyang pangalawang guesting sa isang GMA show matapos ang FTWBA kamakailan kung saan nakasama niya si Jhong Hilario.

Ryan Bang, mapapanood sa GMA comedy show na Bubble Gang
Ryan Bang, mapapanood sa GMA comedy show na Bubble Gang
Source: Instagram

Ibinida ni Ryan sa kanyang IG stories ang ilan sa mga pictures na kuha sa kanyang guesting sa longest running comedy show sa bansa.

Read also

Andrea Brillantes, nakasabay daw ang Enhypen sa elevator

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan din ang guesting ni Ryan kasama si Jhong Hilario sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ryan Bang, mapapanood sa GMA comedy show na Bubble Gang
Ryan Bang, mapapanood sa GMA comedy show na Bubble Gang
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagiging bahagi ng It's Showtime ng GTV, maraming beses nang napapanood ang ilang Kapuso stars sa naturang noontime show. Maging sina Michael V at Manilyn Reynes ay naging guest na rin nila para makisaya sa birthday celebration ng former Ka-Bubble na si Ogie Alcasid.

Ryan Bang, mapapanood sa GMA comedy show na Bubble Gang
Ryan Bang, mapapanood sa GMA comedy show na Bubble Gang
Source: Instagram

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalaunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Nakasama ni Ryan ang co-host niya sa It's Showtime na si Cianne Dominguez sa kanyang vlog. Sinama niya ito sa pinakabagong branch ng kanyang food business na Ducup sa isang mall sa Makati. Marami sa mga viewers ng YouTube channel ni Ryan ang kinilig sa kanilang dalawa dahil kahit sa It's Showtime ay lagi silang tinutukso. Ito umano ang unang pagkakataon na lumabas silang dalawa nang hindi kasama ang kanilang mga katrabaho.

Read also

Ilang TikTokers, umamin na scripted ang kanilang ginawang video laban kay Maggie Wilson

Naibahagi ni Ryan Bang sa madlang people na may girlfriend na siya. Nakwento ni Vice Ganda ang ginawa ni Ryan na pagtext sa kanya para ibalita ito. Si Vice Ganda raw ang una niyang sinabihan dahil ani Ryan ay dapat si Vice Ganda ang unang makaalam. Ani Vice Ganda, tinawagan niya si Ryan at naiyak daw ito nang makausap niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel