Stela Francisco nang masaktan habang naglalaro: “Papa Jesus, tulong naman"

Stela Francisco nang masaktan habang naglalaro: “Papa Jesus, tulong naman"

- Kinaaliwan si Stela Francisco sa kanyang reaksiyon matapos siyang matumba dahil naglalaro sila kasama ang kanilang buong pamilya sa kanilang beach outing

- Umiyak ito dahil nasaktan siya at nagsabing bad daw ang pushing

- Sinubukan naman siyang paliwanagan ni Melai na bahagi ng laro ang masaktan

- Nagtawag pa ito at humingi ng tulong kay 'Papa Jesus' dahil magulo daw ang kanilang mga kasama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang naaliw kay Stela Francisco nang matumba ito habang naglalaro sila sa tabing dagat. Pinaliwanagan naman siya ng kanyang mga magulang na parte ng laro na masaktan.

Stela Francisco nang masaktan habang naglalaro: “Papa Jesus, tulong naman"
Stela Francisco nang masaktan habang naglalaro: “Papa Jesus, tulong naman"
Source: Youtube
“Ang game na yon is pang-matanda. Dalawa lang kayo, so dapat ’di kayo sumasali sa laro ng pang-matanda. Okay nga na jumoin kayo, pero kung ano ’yung maging rules, dapat acceptin niyo, ganun talaga, mas maraming matanda eh, tama?”

Read also

Miho Nishida at anak na si Aimi, kinaaliwan sa kanilang mga TikTok videos

Sinabi din ni Jason Francisco na mas magandang huwag silang sumali sa laro ng mga matatanda.

Habang pinapaliwanagan ay sinasabi ni Mela na hindi daw dapat nanunulak dahil bad daw iyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Sabi ko bawal fighting, sabi ko no pushing,”

Nagtawag pa ito at humingi ng tulong kay 'Papa Jesus' dahil magulo daw ang kanilang mga kasama.

“Papa Jesus, tulong naman. Gulo kasi sila, tigas ulo,”

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Maggie Wilson, nagbigay ng 24 oras ultimatum sa mga kasali sa umano'y smear campaign

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel