Andrea Brillantes, sariling sikap sa kanyang hair and makeup para sa fashion week
- Pinatunayan ni Andrea Brillantes na isa siyang strong independent woman sa kanyang pagdalo sa fashion week
- Sa isang TikTok video ay pinakita niya kung paano niya ginawa ang kanyang hair and makeup bago ang isang dinner
- Kinabiliban siya dahil kahit hindi naman siya palaging dumadalo sa mga fashion event ay kayang-kaya niyang mag-ayos nang siya lang at walang glam team
- Nakwento niya rin ang tungkol sa kanyang nabiling luxury na mga gamit na aniya ay pinag-isipan niya nang maigi lalo at hindi naman daw siya mahilig bumili ng mamahaling mga gamit
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinakita ni Andrea Brillantes ang "Get Ready With Me" video niya para sa dinner na dadaluhan niya para sa isang luxury brand habang siya ay nasa Italy para sa fashion week. Hindi na niya kinailangan pa ang glam team dahil siya mismo ang nag-ayos ng kanyang hair at makeup.
Sa naturang video ay nabahagi niyang dalawang event ang kailangan niyang daluhan. Kahit mag-isa ay na-enjoy niya daw ang kanyang pag-date sa kanyang sarili habang siya ay nasa Milan, Italy.
Aminado siyang na-overwhelm siya. Bumili sila ng mga gamit mula sa isang luxury brand pero aniya ay parang nanghinayang siya dahil ayaw niya daw madala niya sa pagtanda ang ugaling gastador.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.
Minabuti ni Andrea Brillantes na magsalita kaugnay sa kanyang bagong vlog kasama ang kanyang mga kaibigan. Paliwanag ni Andrea, kaya niya ginawang Date or Pass na lang kesa jojowain o totropahin dahil aniya ay hindi naman siya naghahanap ng bagong karelasyon. Aniya, playtime lang naman iyon at sinabi niya lang naman na nagagwapuhan lang siya sa anak ni Ina Raymundo. Naibahagi niya kasi sa vlog na nagpakilala sa kanya itong anak ni Ina ngunit kasama niya ang ex niya noong time na iyon at biro lang ang sinabi niyang 'Im sngle now'.
Ayon kay Ina Raymundo, natutuwa siya kay Andrea Brillantes. Kaugnay ito sa kanyang prangkang pag-amin na nagu-guwapuhan siya sa anak ni Ina na si Jakob Poturnak. Ani Ina, hindi niya alam kung nagbibiro lang si Andrea pero hindi siya makakapag-decide sa kung sino ang gugustuhin ng kanyang mga anak. Matatandaang inalmahan ni Andrea ang mga negatibong komento kaugnay sa kanyang vlog na date or pass na aniya ay for content lang naman sana.
Source: KAMI.com.gh