Moira Dela Torre, inulan ng mensahe matapos maibahagi ang picture niyang lumuluha

Moira Dela Torre, inulan ng mensahe matapos maibahagi ang picture niyang lumuluha

- Nag-post si Moira Dela Torre ng mga pictures at video clips ng aniya'y kanyang mood board

- Kalakip sa kanyang post ay ang isang picture niya na siya ay lumuluha

- Marami ang nabahala para sa kanya at naghayag ng mensahe ng kanilang suporta para kay Moira

- May mga nagsabi naman na malamang ay madamdamin at mapanakit ang ginagawa nitong kanta

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inulan ng komento ang post ni Moira Dela Torre kung saan makikita ang picture niya na siya ay lumuluha. Ayon sa ibang netizens, mukhang mapanakit na kanta na naman ang nilikha nito.

Moira Dela Torre, inulan ng mensahe matapos maibahagi ang picture niyang lumuluha
Moira Dela Torre, inulan ng mensahe matapos maibahagi ang picture niyang lumuluha (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Sa kanyang post sa Instagram ay binahagi niya ang pinagsama-samang pictures at video clips ng aniya'y "mood board."

Marami ang nagkomento tungkol sa kanyang picture na umiiyak siya. Yung iba ay nabahala at ang iba naman ay naghayag ng kanilang pagmamahal at suporta para kay Moira:

Read also

Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanyang expectation vs reality post

Pustahan may ilalabas 'to na masakit na kanta. 'Yung nakakadurog ng puso.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Iiyak mo lang yan hanggang sa mapagod kana kakaiyak . Magiging ok ka din soon.
In God's perfect time , magheheal ka din ❤️ mahirap ou , pero magugulat ka na lang isang araw tinatawanan mo na lang un mga bagay na dati iniiyakan at feeling mo ndi mo na kaya

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Read also

Pokwang, sinopla ang nagsabing nagsisi siya sa paglipat sa GMA

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel