Pinay, wagi sa Emirates draw; tatanggap ng P380,000 kada buwan sa loob ng 25 taon
- Isang Pinay ang nagwagi kamakailan sa Emirates Fast-Five draw
- Tinatayang may katumbas na P380,000 kada buwan ang kanyang napanalunan
- Masasabing financial stability ang dulot ng pagkapanalo niyang ito dahil matatanggap niya ang nasabing halaga sa loob ng 25 taon
- Dahil dito, naisipan na niyang ituloy ang binabalak nilang pagpapakasal ng kanyang nobyo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isang Pinay United Arab Emirates ang nagwagi ng 25,000 Dirhams na ang katumbas ay 386,458 pesos kada buwan loob 25 taon dahil sa Fast5 Emirates Draw.
Nakilala na ang nagwagi na si Freilyn Angob, 32-anyos na sampung taon nang naninirahan sa UAE. Siya ang ikalawang Grand Prize Winner ng FAST5 draw na nagsimula lamang umano noong Mayo ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Freilyn, itutuloy na nila ang pina-planong pagpapakasal nila ng kanyang nobyo. Malaking bagay na may kasiguraduhan na ang papasok ng pera sa kanila sa susunod na 25 na taon.
"Ang Emirates draw FAST-5 ay nag-alok ng one-of-a-kind Grand Prize na nangangako ng buhay na walang pag-aalala sa mga darating na taon. Ngayon ay ako at bukas, maaaring ikaw na, kaya patuloy na maglaro at hintayin ang iyong pagkakataon na manalo ng malaki!," ani Freilyn.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Narito ang kabuuan ng kwento ng kanyang pagkawagi mula sa ABS-CBN News:
Matatandaang napabalita rin ang isang pamilyang nasa Canada ang nanalo ng may katumbas 2.2 bilyong piso.
Noon namang 2020, nanalo ang isa rin nating kababayan sa UAE sa lotto roon gamit ang pinakahuling pera niya. Emosyonal nitong naibahagi ang kanyang kwento dahil hindi niya talaga inaasahan na ang kahuli-hulihan niyang salapi ang babago pala ng kanyang buhay.
Samantala, napasayaw daw noon sa tuwa ang Filipino couple sa Canada na sina Liezl Panganiban and Edgar Ebreo nang manalo sa lotto ng halagang $675,000 o katumbas Php32.3 million. Hindi ito ang unang pagkakataon na nanalo ang mag-asawa sa lotto. Noong Setyembre ng 2020, una na silang pinalad sa Lotto 6/49 at nakatanggap na ng $500,000."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh