Jennica Garcia, natameme nang sabihan ni Argel Saycon na maganda siya
- Kinakiligan sina Jennica Garcia at dating PBB housemate na si Argel Sayco sa isang episode ng "Ur Da Boss"
- Hindi napigilan ni Argel na sabihing gandang-ganda siya kay Jennica na isa sa mga hosts sa naturang programa
- Tila hindi naman makapagsalita si Jennica at nangingiti lang at halatang nahihiya
- Ayon naman kay Melai, sa pagkakakilala niya kay Argel ay ngayon lang din daw ito tila naging mahiyain
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinakiligan sina Jennica Garcia at dating PBB housemate na si Argel Sayco sa isang episode ng Ur Da Boss. Sa naturang guesting ni Argel, hindi nito napigilang banggitin na nagagandahan siya kay Jennica.
Hindi naman masyadong nakapagsalita si Jennica sa sinabing ito ni Argel at ngumingiti na lamang. Dahil dito ay lalong biniro ni Melai at tinukso silang dalawa.
Ayon pa kay Melai, sa tagal ng pagkakakilala niya kay Argel ay noon lang din daw niya ito nakitang tila naging mahiyain.
Narito ang komento ng ilang netizens:
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi ako fan ni Jennica pero bkt ako kinikilig dito
Gusto ko mai palabas silang dalawa! Nakakakilig kasi!
Napaka simpleng Ganda ni jennica kinikilig din Ako
Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.
Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.
Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh