Ricci Rivero at Leren Mae Bautista, namataang magka-holding hands

Ricci Rivero at Leren Mae Bautista, namataang magka-holding hands

- Viral ang video nina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista na magkasama at magkahawak-kamay

- Sa video na kumakalat ay game na nakipag-picture sina Ricci at Leren sa mga taong humiling na makapagpa-picture sa kanila

- Matatandaang naging usap-usapan ang dalawa matapos mamataan silang magkasama

- Ngunit agad ding pinabulaanan ni Leren ang tungkol sa balitang may namamagitan sa kanila noon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral sina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista matapos kumalat ang video nila na magkasama at magka-holding hands. Game na nakipag-picture sina Ricci at Leren sa mga taong humiling na makapagpa-picture sa kanila.

Ricci Rivero at Leren Mae Bautista, namataang magka-holding hands
Ricci Rivero at Leren Mae Bautista, namataang magka-holding hands
Source: Instagram

Matatandaang naging kontrobersiyal ang dalawa matapos maiugnay sa isa't-isa matapos ang hiwalayang Andrea Brillantes at Ricci. Gayunpaman, agad na naglabas ng pahayag si Leren kung saan pinabulaanan nito na may namamagitan sa kanilang dalawa ni Ricci.

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: “Mas matindi ang intrigahan at mga komento sa mga Koreano"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ricci Paolo Uy Rivero o mas kilala bilang si bilang si Ricci Rivero ay isang Filipino basketball player. Nakilala siya sa kanyang performance sa UAAP Season 80 men's basketball tournament dahilan para siya'y mapabilang sa Mythical Five at makuha ang Most Improved Player award. Bukod sa basketball, isa rin siyang modelo at pinasok na rin niya ang mundo ng Showbiz.

Matatandaang may lumalabas na bali-balita na bagong pasabog umano ang kampo ni Ricci Rivero ukol sa dating karelasyon na si Andrea Brillantes. Sinasabing may naiwang underwear si Andrea sa condo unit ni Ricci. Ani Cristy, maaring gawa-gawa lamang ito ng kampo ng lalake gayung may nasabi si Andrea tungkol sa ex na hindi nagpapalaba sa loob ng isang taon. Depensa naman ni Cristy, respeto nalang sana at hindi na nararapat pang magsalita ng lalake lalo na at maaring ikasira ito ng imahe ng babae.

Read also

Senyora matapos purihin ni Marian Rivera si Kiray: "Dog lover pala talaga si Marian"

Kamakailan ay binahagi ni Andrea Brillantes ang kanyang pagkomento sa Instagram live ng Blackpink member na si Rosé. Sa kanyang Instagram story ay binahagi ni Andrea ang kanyang pagkomento sa IG live ni Rosé at ang reaksiyon nito nang malamang break na sila ng lalaki na niyaya niya sa prom. Hindi napigilang mapatakip ng bibig si Rosé na tila nabigla sa sinabi ni Andrea. Ani Andrea, okay naman siya at masaya dahil napansin siya ng Blackpink.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel