Erwan Heussaff, aminadong 'Asawa Ni Anne' ang tawag sa kanya sa lugar na napupuntahan

Erwan Heussaff, aminadong 'Asawa Ni Anne' ang tawag sa kanya sa lugar na napupuntahan

- Ibinahagi ni Erwann Heussaff na kadalasan kapag pumupunta siya sa mga probinsiya ay kilala siya bilang 'Asawa Ni Anne'

- Kaya naman, masaya siya na kilala siya sa kanyang pangalan nang magpunta siya sa Baler

- Pumunta siya sa palengke para mamili ng lulutuin niya para sa kanilang kakainin sa kanilang camp kinagabihan

- Magiliw na pinagbigyan ni Erwann ang mga taong gustong magpa-picture sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Erwan Heussaff, kadalasan kapag pumupunta siya sa mga probinsiya ay kilala siya bilang 'Asawa Ni Anne'. Kaya naman, ikinatuwa niya na may nakakakilala sa pangalan niya nang pumunta siya sa palengke sa Baler.

Erwan Heussaff, aminadong 'Asawa Ni Anne' ang tawag sa kanya sa lugar na napupuntahan
Erwan Heussaff, aminadong 'Asawa Ni Anne' ang tawag sa kanya sa lugar na napupuntahan
Source: Instagram

Makikita sa kanyang binahaging video ang pagpunta niya sa isang palengke. Dito ay may isang babae na pinakilala siya sa kasamahan bilang si Erwan, ang asawa ni Anne.

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: “Mas matindi ang intrigahan at mga komento sa mga Koreano"

In most provinces, I go by Asawa Ni Anne.
P. S Most people don't know my name, so I was pleasantly supprised that someone here did

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging si Anne ay natawa sa post na ito ni Erwan at ibinahagi ang kadalasang mga sinasabi ng mga tao.

Ay siya pala Asawa ni Anne Curtis. Balik ka na showtime Kasi.

Marami naman ang nakapansin sa kung paano pinakitunguhan ni Erwan ang mga taong nakasalamuha niya:

Wow you are so accomodating ang bait hope to see you.
Ang pogi at ang bait ni Erwan Ito lang yung lalaking pinanood ko lahat ng vlog Swerte ni Anne.
Natuwa ako sa pagkasabi ng “Salamat”. So humble ng tatay ni Dahlia.

Si Anne Curtis Smith-Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Read also

Senyora matapos purihin ni Marian Rivera si Kiray: "Dog lover pala talaga si Marian"

Kinaaliwan sina Anne Curtis at Vice Ganda sa binahaging video ni Anne sa social media. Makikita ang kanilang tawanan na magkaibigan habang nakaupo na naghahampasan pa. Sa kanilang tawanan ay napalakas ang pagtulak ni Vice kaya napadapa si Anne habang-tawa pa rin nang tawa. Ani Anne, ang kanilang tawanan ay palatandaan ng kanilang pagiging tunay na magkaibigan.

Kamakailan ay hindi inatrasan ni Anne ang pangangantiyaw ng madlang people at kanyang mga co-hosts. Sa kanilang segment na Isip-Bata ay naitanong kung kailan pinakamalaki ang bukas ng bibig ng isang tao. Dahil ito ang lagi nilang biro kay Anne, sinabi ni Vice Ganda na mas maganda kung si Anne ang aarte para ipakita ang mga pagpipilian. Maging ang mga studio audience ay sumang-ayon din kay Vice kaya di pinatagal ni Anne at agad pumagitna sa entablado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel