Melai Cantiveros, binahagi ang picture ng pagpapatulog niya sa mga bata

Melai Cantiveros, binahagi ang picture ng pagpapatulog niya sa mga bata

- Kinaaliwan si Melai Cantiveros sa kanyang binahaging pictures kung saan makikita siyang nakahiga kasama ng mga bata

- Aniya, Mama Inday daw ang tawag nila sa kanya at siya ang nagpapatulog sa mga ito kung hapon

- Makikita ding hawak niya ang hanger dahil aniya ay mamalo siya sa mga hindi matutulog

- Marami naman ang natuwa at napa-throwback sa pinakitang picture ni Melai kung saan masasalamin ang simpleng buhay sa probinsiya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Melai Cantiveros-Francisco ang pictures kung saan makikita kung paano niya patulugin ang mga bata. May hawak pang hanger si Melai dahil aniya ay mamalo siya sa mga hindi matutulog.

Melai Cantiveros, binahagi ang picture ng pagpapatulog niya sa mga bata
Melai Cantiveros, binahagi ang picture ng pagpapatulog niya sa mga bata (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Aniya, Mama Inday daw ang tawag nila sa kanya at siya ang nagpapatulog sa mga ito kung hapon.

Mama Inday tawag nila sa akin na hahangerin sila kng di matutulog ng hapon

Read also

Christian Bables, naiyak nang mapag-usapan ang pangungulila sa ama

Marami naman ang natuwa at napa-throwback sa pinakitang picture ni Melai kung saan masasalamin ang simpleng buhay sa probinsiya. Narito ang ilang komento:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang sarap matulog..pg ganyan ka fresh..naalala q ang aking kabataan
Kakamiss ng ganitong setup, with cousins, sa bahay ng lola, or kung saang bahay ng tita na may pinakamalaking bahay at lawn.
Relate na relate kaming magkakapatid yong napipilitan ka nalang pumikit para di mapalo ng hanger o sinturon hanggang sa makatulog ka talaga

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Gelli at Janice de Bellen, naglaro ng Tumpakners: "Dahilan ng pag-aaway namin"

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel