Melai Cantiveros, natawa sa sagot ni Stela sa tanong na bakit siya anak ni Melai

Melai Cantiveros, natawa sa sagot ni Stela sa tanong na bakit siya anak ni Melai

- Kinaaliwan ang video na binahagi ni Melai Cantiveros sa TikTok kung saan tinatanong niya ang anak na si Stela kung anak daw ba siya ni Melai

- Tinanong niya rin si Stela kung bakit niya nasabing anak siya ni Melai at kung paano niya ito patutunayan

- Bukod sa kanyang daliri na kagaya sa kanyang mama, pinakita din ni Stela ang paggaya niya ng expression ng mukha ni Melai

- Natawa din si Melai nang sabihin nito ang 'kuan' na kadalasang nababanggit ni Melai tuwing nagkukuwento o nagsasalita siya

Sa video na binahagi ni Melai Cantiveros sa TikTok, tinanong niya si Stela kung bakit niya nasabing anak siya ni Melai at kung paano niya ito patutunayan. Tawang-tawa si Melai sa anak na kagaya niya ay palabiro din.

Melai Cantiveros, natawa sa sagot ni Stela sa tanong na bakit siya anak ni Melai
Melai Cantiveros, natawa sa sagot ni Stela sa tanong na bakit siya anak ni Melai
Source: TikTok

Bukod sa kanyang daliri na kagaya sa kanyang mama, pinakita din ni Stela ang paggaya niya ng expression ng mukha ni Melai. Sinabi din ni Stela ang salitang 'kuan' na kadalasang nababanggit ni Melai tuwing nagkukuwento o nagsasalita siya.

Read also

Whitney Tyson, nakwento ang tungkol sa naranasang pambu-bully sa 'Ang Probinsiyano'

Sa huling bahagi ng video ay sinayawan ni Stela ang chant ng kanyang mama Melai.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel