Annabelle Rama, nagpasalamat sa lahat ng dumalo sa birthday dinner niya

Annabelle Rama, nagpasalamat sa lahat ng dumalo sa birthday dinner niya

- Nagpasalamat si Annabelle Rama sa lahat ng dumalo sa ginanap na dinner para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan

- Aniya, masaya siya dahil first time na kompleto ang kanyang pamilya sa kanyang birthday dinner

- Binanggit niya sina Richard at Ruffa Gutierrez na kadalasan daw ay may trabaho tuwing birthday niya ngunit nakadalo sila sa birthday dinner niya kasama ang iba pa niyang mga anak

- Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga kaibigan niya at sa mga taga-showbiz, at sa mga boss ng ABS-CBN dahil naglaan sila ng time sa kanyang party

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Annabelle Rama ng kanyang mensahe ng pasasalamat sa mga dumalo sa kanyang birthday dinner. Kalakip ng kanyang mensahe ay binahagi niya ang kanilang mga pictures.

Annabelle Rama, nagpasalamat sa lahat ng dumalo sa birthday dinner niya
Annabelle Rama, nagpasalamat sa lahat ng dumalo sa birthday dinner niya (Nice Print)
Source: Facebook

Kabilang sina Richard at Ruffa Gutierrez sa binanggit niya dahil kadalasan umano ay may trabaho ang mga ito tuwing birthday niya ngunit ngayon ay nakadalo sila.

Read also

Bianca Manalo, napa-walk out sa isang eksena sa Magandang Dilag

Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa birthday dinner ko. I'm sooo happy 1st time nag-celebrate ako na complete ang pamilya ko. Sina @richardgutz at si @iloveruffag na palaging may trabaho sa araw ng birthday ko, pero this time nakasama silang dalawa at lahat ng mga anak ko. Siyempre hindi rin mawawala ang one and only kong asawa si @eddiegutierrez06 na nakisaya.

Pinasalamatan niya rin ang mga kaibigan niya at mga taga-showbiz kabilang ang mga ABS-CBN boss na dumalo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Thank you sa lahat ng mga kaibigan ko at sa mga taga-showbiz, at sa mga boss ng ABS-CBN dahil naglaan sila ng time for my party.

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang My Monster Mom kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Read also

Diana Zubiri, naluha nang mapag-usapan ang ama lalo na ang kanyang sariling pamilya

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel