Bianca Manalo, napa-walk out sa isang eksena sa Magandang Dilag

Bianca Manalo, napa-walk out sa isang eksena sa Magandang Dilag

- Ibinahagi ni Bianca Manalo na napa-walk out siya sa isang eksena ng seryeng "Magandang Dilag"

- Aniya, takot daw talaga siya sa mga creepy crawlies at hindi sinabi sa kanila na totoong uod ang makikita nila sa isang eksena

- Dagdag pa ni Bianca, totoo yung sigaw niya at napa walk out siya sa eksena kahit hindi pa cut sa kanyang sobrang takot

- Makikita sa kanyang binahaging picture na tila naiyak pa ito at sobra ang kanyang sigaw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Bianca Manalo na napa-walk out siya sa sobrang takot matapos niya makakita ng uod. Hindi daw sinabi sa kanila na totoong uod ang gagamitin at ani Bianca ay takot daw talaga siya sa mga creepy crawlies.

Bianca Manalo, napa-walk out sa isang eksena sa Magandang Dilag
Bianca Manalo, napa-walk out sa isang eksena sa Magandang Dilag
Source: Instagram

Makikita sa binahaging pictures ni Bianca na umiiyak siya. Sa isang picture ay makikita din na napasigaw siya.

Read also

Leren Mae Bautista kay Ricci Rivero: “Wag ka maglaba, ako na"

Takot ako talaga sa kahit anong creepy crawlies . Hindi sinabi ng production na totoong worms yung mabubuksan namin ng Elite Squad. So totoo yung sigaw ko and napa walk out talaga ako ng scene kahit hindi pa cut sa takot.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Bianca Manalo ay isa sa kilalang aktres sa bansa at dating beauty queen. Siya ang naging kinatawan ng bansa sa 2009 Miss Universe pageant. Ilan sa mga naging TV shows niya ay ang Juanita Banana, FPJ Ang Probinsyano at bahagi rin siya ng inaabangang teleserye ngayong taon ang 'The Broken Marriage vow'.

Matatandaang ibinahagi ni Bianca ang tungkol sa pagkakaroon niya ng matinding migraine. Sa isang vlog, ibinahagi ni beauty queen/actress na nakakaapekto na ito sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Nabanggit niya rin na sumailalim siya sa MRI at ang resulat umano ay 'unremarkable.' Ayon daw sa kanyang eye doctor ay nakakaranas siya ng “digital strain”.

Samantala, hiyang-hiya si Bianca nang 'di inaasahang mag-videobomb sa senatorial forum ng boyfriend niyang si Win Gatchalian. Natagalan pa bago mapansin ni Bianca na hagip pa rin siya ng camera ni Senator Win na noo'y nagsasalita pa naman sa forum. Nang matapos sa video, nasabi ng senador na talagang na-distract siya gayung napansin na niya si Bianca. Nagkataong mahirap pa naman daw ang tanong na kanyang sinasagot nang mapasilip si Bianca sa may pinto ng silid.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel