Sarina Hilario, tuwang-tuwa sa regalo ng ninong niyang si Ryan Bang: "Kamsamnida"

Sarina Hilario, tuwang-tuwa sa regalo ng ninong niyang si Ryan Bang: "Kamsamnida"

- Tuwang-tuwa si Sarina Hilario sa regalo sa kanya ng kanyang ninong na si Ryan Bang

- Sa isang video na naibahagi sa social media makikita ang nakakaaliw na reaksiyon ni Sarina nang makita ang manikang regalo sa kanya

- Habang binubuksan ang regalo ay sinabi nito na gusto niya ang regalong ito at napa-"Kamsamnida" pa

- Marami ang natuwa sa pagiging appreciative ni Sarina sa mga regalong binibigay sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Sarina Hilario nang ibigay sa kanya ng daddy niya ang regalo na mula sa kanyang ninong na si Ryan Bang. Tuwang-tuwa ito at agad na nagpasalamat.

Sarina Hilario, tuwang-tuwa sa regalo ng ninong niyang si Ryan Bang: "Kamsamnida"
Sarina Hilario, tuwang-tuwa sa regalo ng ninong niyang si Ryan Bang: "Kamsamnida" (@sarinahilario)
Source: Instagram

Bago niya buksan ang regalo ay siya din ang nagsalita. Sinabi niya sa kanyang mga followers na bubuksan niya ang regalo mula sa kanyang ninong Ryan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang natuwa sa pagiging appreciative ni Sarina sa mga regalong binibigay sa kanya. Narito ang ilan sa mga komento:

Nawawala lungkot ko kapag nag watch ako mga video mo Sari, thank you
Awwww... you are such a very appreciative baby girl , Sari! nakikitang very loving, sweet, obedient, kind-hearted at masayahing bata! Kudos to your parents.
So cute hhehe kamsamida galing galing nmn ng baby nato

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate