Melai Cantiveros sa mga bodyguards: "Malaking pagkakamali nila na ako ang binabantayan nila"

Melai Cantiveros sa mga bodyguards: "Malaking pagkakamali nila na ako ang binabantayan nila"

- Binahagi ni Melai Cantiveros ang video ng kanyang pagbibiro sa kanyang mga bodyguards

- Aniya, sinusubukan niya lang kung gaano ka-protective ang mga Korean bodyguards niya

- Nagkunwari siyang madadapa kaya makikitang agad na naalerto ang kanyang guards

- Marami ang naaliw sa birong ito ni Melai sa kanyang mga bodyguards na game sa pagbibiro ni Melai

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang binahaging video ni Melai Cantiveros kung saan napag-tripan niya ang kanyang mga bodyguards. Aniya, sinusubukan niya lang kung gaano ka-protective ang mga Korean bodyguards niya.

Melai Cantiveros sa mga bodyguards: "Malaking pagkakamali nila na ako ang binabantayan nila"
Melai Cantiveros sa mga bodyguards: "Malaking pagkakamali nila na ako ang binabantayan nila"
Source: Instagram

Hirit pa ni Melai, nagkamali sila na siya ang napiling bantayan dahil aniya ay Hokage siya.

Tenesting ko lang gaanu tlaga ka protective ang mga body guard sa Korean na napapanood ko sa KDrama Kdrama feels tlaga in 3 Days para sa movie nmin na #MaamChief na ipapalabas na sa Nov 15 , pero malaking pagkakamali nila na ako ang binabantayan nila dahil isa itung Hokage hahahahahhaha

Read also

Melai Cantiveros at Herlene Budol, kinaaliwan sa kanilang TikTok video

Aniya, inaka nila na nadapa siya gayong sumasayaw lang naman daw siya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Yung akala nila nadapa ako sumasayaw lang pala ako, Kamsamiii. Slamat Inang Reyna sa pa body guard and Kamsamiii Mr Jay and Mr Alex see u on AAA

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Melai, naloka sa makulit na reaksyon ng mga anak nang mag-away sila noon ni Jason

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel