Melai, naloka sa makulit na reaksyon ng mga anak nang mag-away sila noon ni Jason

Melai, naloka sa makulit na reaksyon ng mga anak nang mag-away sila noon ni Jason

- Naikwento ni Melai Francisco ang makulit na reaksyon ng mga anak niya nang minsang nag-away sila ni Jason

- Hindi raw siya nakatuloy sa pag-emote dahil sa naging reaksyon nina Mela at Stela

- Dahil dito, nadawit pa umano ang pangalan ng aktor na si Jericho Rosales na maituturing na ultimate crush ni Melai

- Matatandaang makailang beses nang naghahatid ng kasiyahan ang mga anak ni Melai na likas na komedyante rin tulad ng kanilang ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa naikwento ni Melai Cantiveros- Francisco sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay ang naging reaksyon ng kanyang mga anak na sina Mela at Stela nang minsang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng mister na si Jason Francisco.

Melai, naloka sa makulit na reaksyon ng mga anak nang mag-away sila noon ni Jason
Melai Francisco with daughters Mela and Stela (Melai Cantiveros- Francisco FB)
Source: Instagram

Nasabihan niya umanong lumayas noon si Jason na siyang ginawa naman nito. Doon niya nasabi sa kanyang mga anak na "Haay naku Mela Stela, 'wag kayong mag-alala. nag-emote ako sa mga anak ko, maghahanap tayo ng tatay na laging nandiyan."

Read also

Paye Galang sa pangalang bigay ng ina: "Siya po ang unang nam-bully sa akin"

Subalit, sa halip na damayan ang ina sa aniya'y pag-eemote nito, may makulit na sagot pa ang magkapatid.

"Alam mo ang sagot nung dalawa, di talaga sila nagdadrama sa buhay. Tapos si Jericho na naman? Si Jericho na naman ang Papa namin. Tapos 'pag nag-away na naman kayo, iba na naman ang papa namin? Tapos tumawa sila 'tas nag apir," kwento ni Melai.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Paglilinaw ni Melai, mas pinagtibay ng ganoong pagkakataon ang kanilang samahan taliwas sa inaakala ng marami na sila'y nagkakalabuan na.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Ogie Diaz kay Melai Cantiveros- Francisco:

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Read also

Toni Talks episode nina Papi at Paye, nagpaluha sa maraming netizens

Kamakailan, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jayson. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Matatandaang makailang beses na tayong napasaya rin ng mga anak nina Melai at Jason na sina Mela at Stela. Isa na rito ang chicken nuggets reaction ng magkapatid na talagang kinagiliwan ng marami. Dahil dito, may ilang nagsabi na sana'y gawing reality show ang pamilya nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel