Bernadette Sembrano, binahagi ang kanilang fertility journey ng kanyang asawa

Bernadette Sembrano, binahagi ang kanilang fertility journey ng kanyang asawa

- Naibahagi ni Bernadette Sembrano ang kanilang fertility journey ng kanyang asawa

- Sa kanyang edad na 46, sinubukan ni Bernadette at ng kanyang asawa ang mga treatment na maaring makatulong sa kanya

- Naging emosyonal si Bernadette sa kanyang pagbabahagi sa kanyang mga subscribers

- Aniya, nais niyang maibahagi sa mga kagaya nilang mag-asawa ang kanilang journey para makapagbahagi ng kaalaman at inspirasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Bernadette Sembrano ang mga pinagdaanan niyang mga procedure sa kanilang fertility journey ng kanyang asawa. Napag-alaman sa kanyang check-up na meron siyang cyst.

Bernadette Sembrano, binahagi ang kanilang fertility journey ng kanyang asawa
Bernadette Sembrano, binahagi ang kanilang fertility journey ng kanyang asawa
Source: Youtube

Nagpasuri din siya ng kanyang immune system na maaring naging isa sa dahilan kung bakit nawala ang kanilang anak na kanyang pinagbubuntis noon.

Ayon sa pagsusuri na pinagdaanan niya ay gumagawa raw ng bad antibodies ang kanyang katawan.

Read also

Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa aniya'y poging afam

Sumailim siya sa LIT o Lymphocyte Immunization Therapy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para kay Bernadette, nais niyang ibahagi ang kanilang journey para sa mga mag-asawang pinagdadaanan din ang kanilang ginagawa sa kagustuhang magkaroon sila ng anak.

Sa kabila ng mga hindi gaanong positibong resulta ay nanatiling positibo ang pananaw ng kanyang asawa na ayon kay Bernadette ay naging dahilan kung bakit nagkaroon siya ng lakas ng loob na ibahagi ang kanilang journey.

Samantala, nitong Hunyo ay nagdiwang ang mag-asawa ng kanilang 15 taon bilang mag-asawa.

Si Bernadette Lorraine Sembrano-Aguinaldo ay kilalang tagapagbalita at television host. Hunyo taong 2008 nang ikasal siya kay Emilio "Orange" Aguinaldo IV na nagmula sa angkan ng unang Pangulo ng Pilipinas, si Emilio Aguinaldo.

Ibinahagi ni Bernadette ang isa sa mga ginagawa ng kanyang mister, ang pangangalakal. Mayroon umano silang junk shop sa Cavite at masasabi niyang mahusay na mag-segregate ang mister. Maliban sa kinikita sa pangangalakal, isang rason nila kung bakit ginagawa ito ay para makatulong sa kalikasan. Minsan pa umanong napagkamalang janitor ang kanyang asawa dahil sa gawaing ito.

Read also

Kim Chiu, pinasilip ang kanyang rest house sa Tagaytay

Suportado niya ang gawaing ito ng mister na aniya'y dahilan ng pagiging humble nilang mag-asawa. Isa rin kasi umanong paraan para makatulong sa kalikasan kaya naman maging siya ay ginagawa na rin ito. Aniya, gusto naman niya ang kanyang ginagawa lalo na at ipinauunawa ng kanyang mister kung bakit nila ito ginagawa sa kabila ng ilang mga panghuhusgang natatanggap nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate