Angel Locsin, nakumusta umano ng source ni Ogie D: "Ayaw niya munang mag-social media"

Angel Locsin, nakumusta umano ng source ni Ogie D: "Ayaw niya munang mag-social media"

- Nabigay detalye si Ogie Diaz tungkol kay Angel Locsin na hindi na nakikita sa telebisyon o sa pelikula

- Maging sa social media ay matagal-tagal naring nananahimik si Angel at walang updated na post

- Ayon sa source ni Ogie, nasa bahay umano si Angel at ine-enjoy ang kanya umanong absence sa social media

- Ito rin umano ang pagkakataong makapahinga ang aktres na mula nang pasukin ang showbiz ay halos sunod-sunod ang naging mga proyekto nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh ng Ogie Diaz Showbiz Update ang matagal-tagal nang pamamahinga ni Angel Locsin sa telebisyon at pelikula.

Angel Locsin, nakumusta umano ng source ni Ogie D: "Ayaw niya munang mag-social media"
Angel Locsin (Angel Locsin FB)
Source: Facebook

Maging sa kanyang social media at YouTube channel ay hindi na rin siya napapanood ng kanyang fans kaya naman nabubuo ang maraming katanungan kung ano na nga ba talaga ang nangyayari sa aktres.

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, hindi naghiwalay ayon sa source ni Ogie Diaz

"Si Angel Locsin po ay nasa bahay, At ine-enjoy ni Angel Locsin ang kanyang absence sa social media," pagbabahagi ni Ogie ayon umano sa kanyang source.

"Siyempre, gumagalaw pa rin ng cellphone si Angel. Naaaliw siya sa mga games. Ibigay natin kay Angel Locsin 'yun. 'Yun ang gusto niya e. Basta happy siy Angel Locsin. Siya ay may bahay o taong bahay," dagdag pa nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila sinasamantala rin ng aktres ang pagkakataong makapahinga lalo na at maaga rin itong nagkaroon ng career sa showbiz.

"Kung maalala mo Loi. noong kanyang kabataan, talagang bugbog sa trabaho si Angel. Samahan pa 'yan ng pag-aalaga niya ng kanyang tatay."

Kaya naman maging si Ogie D ay nauunawaan ang pananahimik na ito ni Angel kahit marami na rin umano ang nakaka-miss sa aktres.

Read also

Ogie D sa umano'y suspensyon ng It's Showtime: "Lalong na-curious 'yung mga tao"

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa agaran niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Kilala siya sa tahimik ngunit mabilis na tumutulong sa ating mga kababayang nasasalanta ng iba't ibang kalamidad. Dahil dito, kabi-kabilang papuri ang kanyang natatanggap at isa na rito si Cristy Fermin na hayagan ang pagsasabi ng magagandang salita kay Angel Locsin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel