Ogie D sa umano'y suspension ng It's Showtime: "Lalong na-curious 'yung mga tao"

Ogie D sa umano'y suspension ng It's Showtime: "Lalong na-curious 'yung mga tao"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa pagpataw ng 12 days suspension ng MTRCB sa "It's Showtime"

- May lumabas umanong bali-balita na matapos mailabas ng MTRCB ang nasabing suspensyon, lalong tumaas ang ratings ng programa

- Ito ay dahil tila mas na-curious ang tao sa nangyayari sa "It's Showtime" lalong lalo na kay Vice Ganda

- Nagbahagi rin ng saloobin si Ogie ukol sa isa sa tinuturong dahilan ng naturang suspensyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Mama Loi, Ate Mrena at Ogie Diaz sa kanilang YouTube channel ay ang kontrobersyal na pagpataw ng 12 araw na suspensyon ng MTRCB sa programang It's Showtime.

Ogie D sa umano'y suspensyon ng It's Showtime: "Lalong na-curious 'yung mga tao"
Vice Ganda (It's Showtime)
Source: Instagram

Matagal-tagal ding hinintay ng marami ang hatol na ito matapos na makarating sa MTRCB ang ice cream incident nina Vice Ganda at asawang si Ion Perez.

Read also

KC Concepcion, puring-puri ang kanyang Mama Sharon: "Bata-bata niyang tingnan"

Ayon kay Ogie, tila mas maraming nanood sa nasabing noontime show matapos ilabas ang hatol. Ito ay dahil tila na-curious ang mga tao sa nangyayari sa programa partikular na kay Vice Ganda.

"Alam mo naman ang mga netizens, Marites 'yan. titingnan nila kung gaano kalungkot 'yung cast, or affected ba sila. Kailangan nilang maramdaman kung naapektuhan ba sila ng suspension. Kaya tinututukan nila lalo na si Vice kung may sasabihin na naman."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinaliwanag din ni Ogie na ang 12 araw na suspensyon ay pagkakataon din ng programa umapela sa naihatol sa kanila.

Isa rin sa ibinahagi ni Ogie ay ang pananaw niya sa insidente na naging dahilan ng nasabing suspensyon.

"Sa akin lang ha. Kung Gen Z thinking ang aking paiiralin... I did not find it malaswa," ani Ogie.

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, hindi naghiwalay ayon sa source ni Ogie Diaz

"Sana ay mai-justify ng kampo ng It's Showtime yung kanilang stand na wala silang violation na ginawa at wala silang nilabag na batas," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.

Nito lamang Hunyo 28 ng kasalukuyang taon, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.

Samantala, matatandaang pinayuhan pa ni Ogie Diaz si Vice Ganda at mga kasama nito sa It's Showtime na mag-courtesy call sa MTRCB upang sila ay mas maunawaan ng naturang ahensya na nooo'y wala pang desisyon ukol sa mga reklamong nakarating sa kanila kaugnay ng noontime show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel