Angel Locsin at Neil Arce, hindi naghiwalay ayon sa source ni Ogie Diaz

Angel Locsin at Neil Arce, hindi naghiwalay ayon sa source ni Ogie Diaz

- Nakumpirma umano ng source ni Ogie Diaz na hindi naghiwalay ang mag-asawang sina Angel Locsin at Neil Arce

- Ito ay dahil sa inakala ng marami na naghiwalay ang dalawa na hindi na nakikita sa social media

- Ayon sa source ni Ogie, ine-enjoy lang umano ni Angel ang kanyang pamamahinga sa showbiz

- Wala rin umanong katotohanang nagdadalang-tao na si Angel na isa rin sa inaakala nila kaya't wala itong update sa kanilang social media

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakumpirma umano ni Ogie Diaz mula sa kanyang source na magkasama pa rin ang mag-asawang sina Angel Locsin at Neil Arce.

Angel Locsin at Neil Arce, hindi naghiwalay ayon sa source ni Ogie Diaz
Angel Locsin at Neil Arce (Angel Locsin)
Source: Facebook

Matatandaang matagal-tagal din silang nananahimik sa social media at tila may pangilan-ngilang post lang si Neil subalit hindi kasama si Angel.

"Si Angel Locsin po ay nasa bahay, At ine-enjoy ni Angel Locsin ang kanyang absence sa social media. Ayaw niya munang mag-social media. Sila parin ni Neil Arce... Sila pa rin po. Ine-enjoy lang niya ang kanyang pagiging may bahay kay Neil Arce." pagbabahagi ni Ogie Diaz.

Read also

Ogie Diaz, sakaling makita muli si Liza Soberano: "Ayaw ko kasi na ako ang lalapit para bumati"

Wala din umanong katotohanan na nagbabawas ng timbang ang aktres at manggugulat na lamang ito sa bagong pigura. Mas lalong walang katotohanan na nagdadalang-tao si Angel.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Siyempre, gumagalaw pa rin ng cellphone si Angel. Naaaliw siya sa mga games. Ibigay natin kay Angel Locsin 'yun. 'Yun ang gusto niya e," dagdag pa ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa agaran niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Read also

Angel Locsin, nakumusta umano ng source ni Ogie D: "Ayaw niya munang mag-social media"

Kilala siya sa tahimik ngunit mabilis na tumutulong sa ating mga kababayang nasasalanta ng iba't ibang kalamidad. Dahil dito, kabi-kabilang papuri ang kanyang natatanggap at isa na rito si Cristy Fermin na hayagan ang pagsasabi ng magagandang salita kay Angel Locsin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel