Bugoy Cariño, nagpropose kay EJ Laure: "Hanggang sa dulo, mamahalin kita"
- Ipinagsigawan ni Bugoy Cariño kung gaano niya kamahal ang mag-ina niyang sina EJ Laure at Scarlet
- Sa ginanap na birthday celebration niya na dinaluhan ng kanyang malalapit na kaibigan, sinorpresa ni Bugoy si EJ at nagpropose ito
- Ani Bugoy, sa pitong taon nilang magkasama ay araw-araw pinaparamdam ni EJ ang kanyang pagmamahal kay Bugoy
- Para kay Bugoy ay si EJ at Scarlet ang gusto niyang makasama habangbuhay
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nag-propose na si Bugoy Cariño sa kanyang partner na si EJ Laure. Sa kanyang birthday celebration ay sinorpresa niya si EJ nang ihayag niya ang pagmamahal sa kanyang mag-ina.
Ayon kay Bugoy, pitong taon na silang nagsasama at araw-araw daw pinaparamdam sa kanya ni Ej ang kanyang pagmamahal. Kaya naman gusto daw niyang ipaalam sa lahat na si EJ ang babaeng gusto niyang pakasalan at gusto niyang makasama habangbuhay.
Halos pitong taon na tayong magkasama pero hindi mo pinaramdam sa akin na hindi mo ko mahal. Araw-araw minamahal mo ako. Araw araw pinagtatyagaan mo ako. Araw-araw mahaba ang pasensiya mo sa akin.
Ani Bugoy, pinadasal niya sa Panginoon na bigyan siya ng sign sa kanyang gagawin.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kasunod nito ay lumuhod si Bugoy sabay nitong inilabas ang singsing. Umo-o naman si EJ sa proposal ni Bugoy.
Si Bugoy Cariño ay tinanghal na grand winner ng Star Circle Kid Quest, isang talent search sa ABS-CBN. Naging bahagi rin siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit. Kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime. Si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball player ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.
Matatandaang buong tapang na inamin ni Bugoy na unang plano nila sa kanilang anak ng dating volleyball star na si EJ. Dala ng kabataan, naisip daw talaga nilang ipatanggal na lang sana ang nasa sinapupunan ng kanyang girlfriend. Subalit dala ng matinding pagdarasal at pagkausap sa kanyang ama, hindi na ito naipagawa ni Bugoy kay EJ. Ngayon, masayang-masaya silang mag-anak kasama ang tatlong taong gulang na nilang anak na si Scarlet.
Sa kabila ng mga pinagdaanan ng dating child star, masasabing unti-unti na raw siyang nakabangon. Matatandaang naging batang ama si Bugoy, dahilan upang mawalan umano siya ng mga proyekto sa showbiz. Subalit ngayon, nabigyan pa niya ng negosyo ang ama at maayos din ang kinikita niya sa pag-FB stream niya ng kanyang laro. Aniya, tila mas malaki pa nga raw ang sinasahod niya ngayon kaysa noong nag-aartista pa siya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh